"Sabay ka na lang kaya sa akin, Jam." Aya sa akin ni Zera.
"Huwag na, kaya ko naman." Nakangiting sabi ko.
"Sigurado ka?" Nag-aalala niyang tanong.
"Oo naman, sige na mauna ka na." Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at inalalayan siyang sumakay.
"Sure ka na talaga?" Taas kilay niyang tanong ulit.
Sasagot na sana ako ng may marinig kaming tunog nang heels palapit sa pwesto namin.
Sabay kaming napalingon sa gilid at nakita nga namin si Avi na naglalakad palapit sa amin.
Seryoso lang siyang naglalakad habang diretso ang tingin sa akin.
"Mauna na ako, mukhang may maghahatid na rin sa'yo." Napalingon ako kay Zera nang marinig kong nagsalita siya.
"Hindi, sasabay na lang pala ako sa'yo." Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil dali-dali ko nang sinara ang pinto ng kotse niya tsaka ako umikot sa kabilang side at sumakay.
Kinabit ko muna ang seatbelt ko bago ko siya nilingon.
"Tara na." Nakangiting aya ko sa kanya.
"Galing mo." Nakangiwing sabi niya tsaka nagsimulang nagmaneho.
Tumingin ako sa salamin at ramdam ko ang kirot sa puso ko nang makita ko si Avi na nakatayo at pinapanood na lumayo ang kotseng sinasakyan namin ni Zera.
"Hindi pa ba kayo ulit nakakapag-usap simula kahapon?" Rinig kong tanong niya.
Huminga muna ako nang malalim at sumandal sa upuan bago sumagot.
"Hindi pa." Mahinang sagot ko.
"Kailangan niyo rin mag-usap pero naiintindihan naman kita kung hindi ka pa handang kausapin siya, tsaka mo na lang siya kausapin kapag handa ka na at kaya mo na." Tumango na lang ako sa sinabi niya at hindi na sumagot.
Pareho kaming na tahimik hanggang sa makarating kami sa harap nang mansion.
Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti.
"Salamat, ingat ka." Pasasalamat ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko.
"You're welcome, sa susunod magsabi ka lang kung may problema."
"I will." Nakangiting sabi ko at tinapik siya sa balikat bago ako bumaba sa kotse niya.
"Mauna na ako." Nakangiting paalam niya.
"Ingat." Nakangiti rin na sabi ko bago sinara ang pinto ng kotse niya.
Bumusina muna siya bago umalis, kumaway lang ako sa kanya at pinanood siyang makalayo hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Naglakad ako papasok sa gate namin bago dumiretso sa loob ng mansion.
"Apo, nandiyan ka na pala." Napalingon ako sa sala ng marinig ko ang boses nang lolo Victor ko.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.