Chapter 46

2.6K 71 41
                                    

Hinihingal akong tumayo sa tabi ni Zera habang umiinom nang tubig.








Nandito kami ngayon sa University at wala kaming pasok pero may event naman dahil sa Halloween.








"Ang tagal mo naman, kanina pa kita hinihintay." Reklamo ni Zera habang may hinahanap sa bag niya.








Pinunasan ko muna ang labi ko pagkatapos kong uminom bago ako sumagot sa kanya.








"Sorry, traffic eh." Nakangiwing paliwanag ko.








"Oh, isuot mo 'yan." Nagtataka ko siyang tiningnan nang iabot niya sa akin ang kulay puting bestida.








"Anong gagawin ko rito?" Kunot noo kong tanong.








"Kainin mo siguro." Sarcastic niyang sagot.








"Parang baliw naman, ano nga?" Taas kilay kong tanong.








"Tanga, malamang isusuot mo." Inis niyang sagot.








"Bakit ko naman 'to susuotin?" Salubong ang kilay na tanong ko.








"Ikaw muna ang mananakot sa mga tao, may hika kasi 'yong isa nating kaklase kaya hindi siya pwede." Problemadong sagot niya.








"Wala na bang iba na pwede?" Agad naman siyang umiling.








"Wala na, ikaw na lang talaga."








Huminga ako nang malalim bago tumango.








"Okay, ikaw ba mag-ma-make up sa akin?"








"Oo, doon ko na lang magbihis." Sinundan ko ang tinuturo niya tsaka ako tumango.








Nagpaalam lang ako sa kanya tsaka ako dumiretso sa malapit na cr.








Pagkatapos kong magbihis ay lumapit na ako agad sa kanya.








Tumayo ako sa harap niya tsaka niya inayos ang suot ko.








"Umupo ka na para masimulan na natin." Sumunod naman ako agad sa sinabi niya.








Sinimulan niya nang mag-make up sa akin habang ako ay nakapikit lang.








Tumagal ng limang minuto ang pag-make up niya sa akin bago kami natapos.









Minulat ko na ang mga mata ko ng matapos na siya.








"Ay perfect, pwede na panakot sa mga bata." Natatawang pang-aasar niya.








"Ikaw nga kahit hindi ka na magsuot ng ganito o mag-make up siguradong matatakot na agad sa'yo ang mga bata." Napahinto siya sa pagtawa nang marinig ang sinabi ko.








"Tangene mo." Tinawanan ko lang siya tsaka ako tumayo.








"Papasok na ako para makasimula na ako sa pananakot." Paalam ko sa kanya.








"Sige, galingan mo." Tumango lang ako tsaka ako tumalikod at pumasok sa loob.








Alam ko naman kung saan ang pwesto ko dahil sinabi na sa akin ni Zera kanina habang busy siya mag-make up sa akin.








Tears Of PainWhere stories live. Discover now