"Kuya." Mahinang tawag ko sa kanya dahil bigla na lang siyang natulala.
"B-bakit?" Gulat niyang tanong bago lumingon sa akin.
"Kuya, tinatanong kita kung may balita na ba sa kaso ni Blaire pero bigla ka na lang natulala. May problema ba?" Nagtataka kong tanong.
"W-wala." Iwas tingin niyang sagot.
"Pero-" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko bago tumayo.
"Pumunta na tayo sa garden, nandoon na silang lahat. And besides, it's already 11:50." Pilit ngiti niyang sabi.
Hindi na niya ako hinintay na magsalita dahil mabilis na siyang tumalikod at umalis.
Kunot noo kong sinundan ng tingin si kuya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Punyemas, bakit feeling ko ang dami nilang tinatago ni lolo?
Inis kong ginulo ang buhok ko habang nakayuko.
"Apo, hindi ka pa ba pupunta sa garden?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni lolo Victor.
Nakatayo siya sa harap ko habang nakangiti.
L-lolo, wala ka naman sigurong kinalaman sa kaso ni Blaire 'di ba? Hindi naman ako gano'n ka-tanga para hindi kayo mahalata ni kuya, lalo ka na.
"Apo, ayos ka lang ba?" Rinig na rinig ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
Napakurap-kurap ako at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni lolo.
"P-po?"
"May problema ba, apo?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.
"Ah, HAHAHAHA w-wala naman p-po." Pilit tawa kong sagot.
"Sigurado ka ba?" Nandoon pa rin ang pag-aalala sa boses niya lalo na sa mukha niya.
"Oo naman po." Pilit ngiti kong sagot.
Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago siya tumango ng masiguro niya na ayos lang talaga ako.
"Oh sige. Mauna na ako sa'yo sa garden, sumunod ka na agad." Agad naman akong tumango sa sinabi ni lolo.
Lolo Victor tapped my head before he left and headed straight to the garden.
Even when I was just a kid, my lolo Victor already had this habit of tapping my head, which is why we're extremely close. I'm also close to lolo Jaron, but my bond with lolo Victor is still different.
Kaya dapat hindi ko pinag-iisipan ng kung ano-ano si lolo dahil kilala ko siya, mabait siyang tao at palangga niya rin noon si Blaire kaya dapat kong alisin sa isipan ko kung ano man ang iniisip ko tungkol sa lolo ko. Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na iniisip ko dahil tinuturing niya na rin si Blaire bilang parang tunay niyang apo, at mahal niya rin si Blaire bilang apo.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
