"Jam, tapos ka na ba bumili?" Nagmamadaling tanong ni Zera.
"Teka lang naman, malapit na 'to hintayin mo lang ako riyan sa parking lot."
"Dalian mo naman."
"Oo na." Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil agad ko ng pinatay ang tawag.
Nandito na naman kasi ako ngayon sa mall at namimili ng pwede kong ibigay na regalo sa pamilya ko at mga kaibigan.
9:30 na ng gabi at ngayon lang ako namimili dahil halos kagigising ko lang. Kung hindi pa siguro ako ginising kanina nina Blue, Green, Ame at Zera baka hanggang ngayon ay tulog pa rin ako.
Pinagmamadali na nga ako ni Zera dahil ilang oras na lang ay New Year na at halos lahat ay nandoon na sa mansion namin kaya gano'n na lang ako pagmadaliin nung isa.
Kaya ginabi na ako ng gising ay dahil sa sobrang pagod kanina, kauuwi lang kasi namin kanina ni Avi galing sa Boracay dahil nag-bakasyon kami roon kahit saglit lang. Nung naging okay na kasi kami ay inaya niya akong mag-Boracay para raw makabawi naman siya sa akin.
Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba, lalo na kung gusto ko rin naman.
Buti nga at nagawan niya ng paraan na magpalusot kay Kenneth. Buti na lang din at hindi siya sumama dahil baka nabuking niya na kami kung sakali.
Nabalik ako reyalidad ng biglang nagsalita ang cashier na nasa harapan ko.
"20,000 po lahat."
"Ah, wait." Alanganin akong ngumiti sa cashier bago ko kinuha ang wallet ko sa bulsa.
Agad kong binuksan ang wallet ko bago ko kinuha ang card ko at inabot ito sa cashier.
Nakangiti naman itong tinanggap ng cashier bago binalik sa akin pagkatapos.
"Thank you." Nakangiti kong pasasalamat.
"Thank you rin po." Tumango lang ako tsaka ko kinuha ang mga pinamili ko.
Mabilis na akong naglalakad dahil alam kong naiinip na sa kahihintay si Zera sa kotse.
Hindi ko na kasi siya sinama sa loob ng mall dahil baka mapagod lang siya kaya sinabi ko na lang na roon niya na lang ako hintayin sa parking lot, sa loob mismo ng kotse ko.
Pagkalipas ng limang minuto sa wakas ay nakarating na rin ako sa parking lot.
Nang mahanap ko ang kotse ko ay agad akong lumapit at mabilis na binuksan ang backseat para ilagay ang mga pinamili ko.
Pagkatapos kong mailagay lahat ay mabilis ko ng sinara ang pinto tsaka ako sumakay sa driver seat.
"Ang tagal mo naman namili." Agad niyang reklamo pagpasok ko.
"Sorry naman."
"Psh."
Napailing na lang ako tsaka ko mabilis na minaneho ang kotse ko.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomantikWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
