Chapter 49

1.9K 47 8
                                        

"Good evening everyone!!!" Masayang bati nang Emcee sa lahat nang mga tao rito ngayon sa field.








"Woahhhhhhhhhhh!!!!" Malakas na hiyawan naman nang mga studyante.








"Handa na ba kayong masaksihan ang mga sasayaw at kakanta ngayong gabi?!!" Malakas na tanong nang Emcee.








"Oo!!!!"








"Yes na yes!!!"








Kanya-kanyang sagot nang lahat.








"Pero mas handa na ba kayong makita ang hinandang fireworks nang ating mga mahal na Council's?!!" Excited na tanong ulit nang Emcee.








"Oo naman!!!!" Malakas at masayang sagot naman ng lahat.








"Oo bakla kaya bilisan mo na!!!" Pang-aasar nang mga lalaki sa Emcee.







"Oo na, maka-bakla naman ito." Pabirong umirap ang Emcee kaya nagtawanan ang lahat.








"Ito na nga simulan na natin ang event pero bago ang lahat tawagin muna natin ang ating mahal na Council President. Ladies and gentlemen, please welcome Miss Zera Martinez." Agad na nagpalakpakan ang lahat nang tawagin ang kaibigan ko.








"Ang ganda mo talaga Zera!!"








"Akin ka na lang!!"








"I love you, Zera!!"








Nakangiwi akong umiling-iling dahil sa mga naririnig kong sigaw nang mga lalaki.








"Hi, good evening sa inyong lahat. Hindi ko na hahabaan ang sasabihin ko dahil alam kong excited na kayo at gusto nang makita ang mga mag-pe-perform ngayong gabi kaya enjoy lang natin ang gabing ito, 'yon lang at salamat." Nagpalakpakan ulit ang lahat pagkatapos niyang magsalita.








"Thank you, Miss President." Nakangiting pasasalamat nang Emcee at pinanood na makaalis si Zera.








"Ito na nga ang hinihintay niyo, tawagin na natin ang unang mag-pe-perform ngayong gabi para sa sayaw, please welcome Girlies Group!!!" Malakas na naghiyawan ang lahat at nangunguna nga ang mga kalalakihan.








"Woahhh, ang gaganda niyo!!"








"Tangina, ang sarap niyo panoorin!!"








"Akin na lang kayo!!"








"Ang sexy niyo!!"








Ilan lang 'yan sa mga sinasabi nang ibang mga lalaki. Lalaki nga naman.








Tahimik lang akong nanonood dito sa gilid nang stage kung saan hindi masyadong mapapansin nang iba.








Kasama ko sina Blue, Green at Ame pero sila pare-parehong nanonood sa mga babaeng sumasayaw maliban kay Ame dahil siya ay kanina pa nakatingin sa phone niya at parang may ka-text, kanina pa kasi parang tangang nakangiti.








Si Zera naman nandoon pa sa backstage dahil nag-aasikaso sa mga mag-pe-perform.








Pagkatapos nga nang nangyari kanina ay hindi pa namin ulit nakakausap si Zera.








Tears Of PainStories to obsess over. Discover now