Nakangiti lang akong nakaupo habang ka-text si Avi.
Nandito ako ngayon sa sala ng mansion namin habang nakaupo lang sa sofa at hinihintay ang iba pa naming kamag-anak, dito kasi sa mansion namin napiling mag-celebrate para salubongin ang pasko.
It's already 11:20 in the evening, unti-unti na rin dumadating ang ibang mga kamag-anak namin.
Habang naghihintay sa text ni Avi ay naalala ko na naman ang nangyari nakaraan. Ang nangyaring event nakaraan sa University ay naging successful naman pero mas lalong naging successful para sa akin dahil kasama ko si Avi, pagkatapos kasi ng event na 'yon ay sabay kaming umuwi ni Avi pero syempre hindi muna kami umuwi agad dahil kumain muna kami bago ko siya hinatid sa kanila.
Doon ko rin napatunayan sa sarili ko na siya na talaga ang gusto kong makasama habang buhay.
Hindi ko na ata kakayanin kapag nawala pa siya sa buhay ko, siya lang ang gusto kong makasama kaya sana hindi na talaga matapos kung ano man ang meron sa amin.
Muntik ko ng maihagis ang cellphone ko sa sobrang gulat dahil tumatawag pala si Avi.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko at kinalma muna ang sarili ko bago ko sinagot ang tawag niya.
"Hello-" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.
"Why did it take you so long to answer my call?" Masungit niyang tanong.
"Ah, n-nagulat kasi a-ako kaya h-hindi ko agad n-nasagot ang tawag mo." Nauutal at kinakabahan kong sagot dahil baka bigla na naman siyang maging dragon.
"Tsk."
"Sorry na." Nakangusong sabi ko habang nakayuko.
"Hmm, what are you doing now?" Mahinahon niyang tanong.
"Nakaupo lang habang kausap at naghihintay sa iba pa naming kamag-anak, ikaw?"
"We're just the same."
Nag-usap muna kami ni Avi ng ilang minuto hanggang sa nagpaalam na rin siya.
"I'll hang up now, my family is here. I'll call you later or just text you."
"Okay, hintayin ko mamaya ang tawag o text mo." Nakangiting sabi ko.
"Okay."
"I love yo-" Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang ibinaba ang tawag.
Tsk, hindi man lang muna pinatapos ang sinasabi ko bago binaba ang tawag.
Nakasimangot kong binulsa sa pants ko ang cellphone ko bago ako tumayo sa pagkakaupo.
Pilit ngiti kong sinalubong ng yakap ang mga tita, tito, lola, lolo at mga pinsan ko.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomantikWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
