Chapter 55

1.5K 38 3
                                        

"Woah, ang saya talaga!" Napangiwi na lang ako dahil sa sobrang lakas ng boses ni Blue.








"Tanginang 'yan, hinaan mo nga boses mo. Nakakahiya ka talaga kasama." Naiinis na saway sa kanya ni Green.








"Oo nga, ang ingay mo masyado ngayon." Naiiling na sabi naman ni Ame.








"Tsk, mag-ingay rin kayo kung gusto niyo." Umiirap na rebat naman ni Blue.








Napailing-iling na lang ako dahil mas lalo pa silang nag-bangayan tatlo.








Nandito kami ngayong lima sa bar, pagkatapos namin panoorin kanina ang sunset sa Park ay dumiretso na kami agad dito.








7:30 na ng gabi at halos isang oras na rin kaming umiinom.








"Zera." Sabay-sabay kaming apat na lumingon kay Ame. "Ay wow, kayo ba si Zera?" Taas kilay niyang tanong.








"Hindi, pero syempre kung anong sasabihin mo kay Zera dapat maririnig din namin." Sagot ni Green.








"Mga tsismosa talaga."








"Oo na, tsismosa na kami pero ano ba 'yong sasabihin mo kay Zera?" Tanong naman ni Blue.








"Mas atat ka pa talaga." Nakangiwing sagot ni Ame.








"Sabihin mo na lang kasi." Naiinip ko na rin na reklamo.








"Wow, sorry ha?!" Umiirap niyang sabi. "Ito na nga ang sasabihin ko. Zera, ex mo 'yon 'di ba?" Curious niyang tanong habang nakaturo ang daliri niya sa bandang likuran namin ni Zera.








Kami kasi ni Zera ang magkatabi habang kaharap naman namin ang tatlo.








"Sinong ex?" Walang ganang tanong ni Zera habang hawak ang isang basong puno ng wine.








"Gaga, akala mo naman talaga ang daming ex para magtanong kung sino." Sagot naman sa kanya ni Ame.









"Gaga ka rin." Nakairap na rebat naman ng isa.








"Zera, ex mo nga pero grabe ang hot niya tingnan sa suot niya." Humahangang sabi ni Blue habang ang tingin ay nasa likuran pa rin namin.








"Tangina, kulang na lang tumulo na ang laway ng mga kalalakihan sa sobrang titig at paghanga sa ex mo." Naiiling na sabi naman ni Green habang ang mga mata ay puno rin ng paghanga.








"Where is she?" Salubong ang kilay na tanong ni Zera habang mahigpit na ang hawak sa baso ng wine.








Agad namang tinuro ng tatlo kung saan naka-pwesto si Samantha.








Sabay kaming lumingon ni Zera sa likuran namin at sa hindi kalayuan ay nakita nga namin si Samantha kasama ang mga kaibigan niya ata. Lahat sila ay puro mga babae, wala naman silang mga kasamang lalaki kaya hindi magseselos ang mabait naming kaibigan.








Kahit medyo madilim sa pwesto nila Samantha ay kitang-kita pa rin namin ang suot niya.








She wore a dress that exposed her smooth and fair back, while the tight fit accentuated her cleavage and curves, making them clearly visible.








Tears Of PainStories to obsess over. Discover now