Chapter 61

401 29 22
                                    

"Z-zera." Nauutal kong banggit sa pangalan niya.








Nanginginig kong inangat ang dalawa kong kamay para hawakan ang balikat niya.








"J-jam." Mahina niyang banggit sa pangalan ko bago bumagsak sa akin, agad ko naman siyang nahawakan at nasalo.








Niyakap ko siya habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa likod niya, at ang kamay niya naman ay nasa mag-kabilang gilid ko.








Nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko habang yakap-yakap ko pa rin siya.








"Z-zera." Mahina kong tinapik ang likod niya pero agad akong napahinto nang maramdaman ko ang basa sa dalawa kong kamay.








Dahan-dahan kong inangat ang dalawa kong kamay at halos mahigit ko ang hininga ko ng makita ko ang dugo sa mga kamay ko.








"Z-zera, g-gumising k-ka!!" Umiiyak kong sigaw.








Agad namang lumapit sa amin ang mga magulang niya, pamilya ko at mga kaibigan namin.








"Anak/Zera!!!" Wala akong ibang naririnig kundi ang iyak at sigaw naming lahat habang paulit-ulit na tinatawag at binabanggit ang pangalan ni Zera.








Hindi ko alam kung paano o kailan kami nakarating sa hospital dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa isang upuan habang tulala at nakayuko.








Marami silang mga sinasabi pero hindi ko naman maintindihan. Naririnig ko rin sila pero hindi ko rin talaga maintindihan kung ano ba ang mga sinasabi nila.








Tulala lang ako habang patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Parang bigla na lang na-blangko ang utak ko dahil sa mga nangyayari.








Nakakatawa lang isipin na ang taong matagal kong iniidolo, hinahangaan at minamahal ay isa pa lang halimaw at isa rin sa dahilan kung bakit namatay ang babaeng minsan at una kong minahal.








Kinamumuhian ko na nga siya pero mas lalo ko pa siyang kinamumuhian ngayon dahil kung hindi niya sana pinaputok ang baril ay wala sana si Zera sa sitwasyon na 'to.








Napakaganda naman ng regalo niya sa akin ngayong New Year.








"K-kung h-hindi s-sana a-ako n-naduwag, e-edi h-hindi s-sana i-ito m-mangyayari. S-sana p-pala h-hindi a-ako n-nagpadala s-sa t-takot, s-sana s-sinabi k-ko n-na n-nung u-una p-pa l-lang k-kung a-ano b-ba a-ang t-totoong n-nangyari n-nung a-araw n-na 'y-yon." Napa-angat ako nang tingin dahil sa narinig kong sinabi ni lola Celine.








Sa dami ng mga nagsalita at sinabi nila ay ang sinabi lang ni lola Celine ang naintindihan ko.








"A-alam mo rin, l-lola?" Mahina at pagod kong tanong.








"S-sorry, a-apo." Pagak akong natawa habang umiiyak.








"B-bakit h-hindi m-mo m-man l-lang p-po s-sinabi?" Puno ng hinanakit kong tanong.








"D-dahil mahal ko ang l-lolo mo at n-natatakot ako na m-magbago ang t-tingin mo sa k-kanya dahil a-alam ko kung g-gaano mo rin k-kamahal ang l-lolo mo." Umiling-iling ako habang tumatayo.








Tears Of PainWhere stories live. Discover now