"Hell."
Ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko dahil sa boses na 'yon.
Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sinong nagmamay-ari ng boses na 'yon.
Nakatitig lang ako kay Charlie habang siya naman ay puno ng pagtatakang nakatingin sa akin bago tumingin sa likuran ko.
"W-wow, she's beautiful." Mahinang bulong niya habang namamanghang nakatitig kay Avi.
"Charlie." Mahinang tawag ko sa kanya.
"Why?" Hindi lumilingon niyang tanong.
"Ano ba! Tumingin ka nga sa akin!" Inis niya naman akong nilingon habang nakataas ang isang kilay.
"Oh? Bakit ba? Anong meron at kailangan ko pa talaga tumingin sa'yo?" Naiinis niyang tanong.
"Huwag kang titingin sa kanya." Mahina kong sagot habang diretso ang tingin sa mga mata niya.
"And why is that? Wait, do you know her?"
"H-huh? H-hindi." Iwas tingin kong sagot.
"Weh? Eh, bakit parang iba naman ata ang gustong sabihin ng mga mata mo?" Agad naman akong napalingon sa kanya at sumalubong sa akin ang naniningkit niyang mga mata.
"A-ano bang g-gustong sabihin ng mga m-mata ko?" Balik na tanong ko rin sa kanya.
"Eh, bakit parang kinakabahan ka at nauutal?" Nagdududa niya ng tanong.
Ang galing, hindi nga sinagot ang tanong ko dahil tinanong niya na naman ako pabalik.
"H-hindi!" Defensive at mabilis kong sagot.
"Why are you being so defensive?"
"Hindi nga." Nakasimangot kong sagot.
"Okay, but are you sure you really don't know her?" Kunot noo niya ng tanong.
"Yes, I'm sure."
"But why does she know your first name?" Curiosity can be seen in her eyes as she looks at me.
"I don't know either."
Napahinto kaming dalawa sa pag-uusap ni Charlie ng banggitin na naman ni Avi ang pangalan ko.
"Hell." Mahina pero malinaw niyang banggit sa pangalan ko.
Kung kanina ay ramdam ko ang malalamig niyang titig pero mas lalo na ngayon dahil mas ramdam na ramdam ko na.
Kahit nakatalikod ako sa kanya ay ramdam ko naman ang matatalim at malalamig niyang tingin.
"Charlie—" Pipigilan ko sana ulit siya na huwag titingin kay Avi pero huli na ang lahat dahil nakatingin na siya.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
