"A-all this t-time it was y-you who was b-behind it a-all." Nanginginig kong sabi.
Dahan-dahang lumapit sa akin si kuya Steve habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"J-jam." Mahina niyang banggit sa pangalan ko bago huminto sa harapan ko.
"B-bakit hindi m-mo man lang s-sinabi sa akin, k-kuya?" Humihikbi kong tanong sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
"D-dahil n-natatakot ako na m-magbago ang t-tingin mo kay l-lolo V-victor mo, at n-natatakot din a-ako na k-kamuhian mo s-siya."
Pagak akong natawa dahil sa sinabi niya.
"T-tingin mo ba h-hindi ko siya k-kinamumuhian ngayon? S-sobrang k-kinamumuhian ko s-siya at n-nandidiri ako sa k-kanya!" Matigas kong sabi.
Hahawakan sana ako ni kuya Steve pero mabilis akong umiwas at humakbang ng isa para makaharap ang taong iniidolo, hinahangaan at mahal na mahal kong lolo.
"S-sabihin mo sa a-akin, b-bakit mo g-ginawa ang b-bagay na 'yon?" Nahihirapan kong tanong.
"Dahil nakikinig siya sa usapan namin. Nalaman niya ang plano namin ng mga tauhan ko tungkol sa transaction ng drugs, kung hindi sana siya nakinig edi hindi naman siya mamamatay." Seryoso at balewala niyang sagot.
Magsasalita pa sana ako ng biglang lumapit sa akin si kuya Steve at hinawakan ako sa balikat.
"J-jam, huwag kang lalapit sa kanya ng husto lalo na't naka-drugs siya." Mahinang bulong niya sa tenga ko.
Kaya pala, kaya pala ibang-iba siya sa lolo Victor na nakilala at minahal ko dahil naka-drugs pala siya ngayon.
Tumango lang ako sa sinabi ni kuya tsaka niya ako binitawan sa balikat. Huminga ako ng malalim para alisin ang nakabara sa lalamunan ko.
"A-anong g-ginawa niyo kay B-blaire?" Nahihirapan kong tanong.
Sana mali itong nasa isip ko dahil baka hindi ko na talaga kayanin.
"She was beaten by my men and raped."
"S-sila lang n-naman 'di b-ba? Hindi k-ka naman k-kasama roon 'di b-ba? Hindi n-naman totoo 'yong s-sinabi kanina ni kuya S-steve na r-rapist k-ka 'di ba?" Umaasa kong tanong sa kanya pero imbes na sagutin niya ay umiwas lang siya ng tingin at hindi ako sinagot. "L-lolo, s-sagutin mo n-naman ako oh. P-parang awa m-mo na." Nagmamakaawa kong pakiusap.
Dahan-dahan niyang binalik ang tingin niya sa akin at diretso akong tinitigan sa mga mata ko. Halos manginig ako dahil sa binibigay na tingin sa akin ng lolo ko, first time ko siyang makita na ganito walang buhay at emosyon ang mga mata niya.
"Kung ano man ang narinig mo kanina, lahat ng 'yon ay totoo." Sa sobrang panghihina at panginginig ng mga tuhod ko ay muntik na akong matumba, buti na lang at nahawakan ako agad ni kuya Steve sa braso at naalalayan.
"Jam! T-tama na." Mahinang awat niya.
Inis kong nilingon si kuya tsaka ko inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at tuluyan siyang hinarap.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
