3RD PERSON'S POV
Maagang naihatid ni Leuwan si Xity.
Pagdating sa opisina.
"Good morning Mr. Shin."
"Good morning! ," nagulat pa ang kanyang sekretarya.
Dati-rati kasi, ni hindi man lang bumabati ang kanyang big boss. Dinadaan-daanan lang siya at ni hindi man lang nginingitian.
"Huh! Ano kayang nakain ni Sir? Hindi kaya may sakit siya? Himala, nakangiting pumasok si Boss tapos binati ako"
Pumasok siya sa loob ng opisina. Pumindot ito ng numero sa cellhone niya. Kitang kita ng kanyang staff na masayang nakikipag-usap sa telepono.
Kumatok si Gilbert sa opisina ng boss.
"Miss you, Babe" sabi niya sa kausap. Kinawayan si Gilbert na umupo saglit.
"Kahahatid mo pa lang sa akin, na-miss mo agad ako" sabi ni Xity.
"Can we go out for lunch later?"
"No, I am busy. Let's go out some other time"
"Okay, get back to work"
Ibinaba ko na ang telepono.
"Sino 'yon boss?" tanong ni Gilbert.
Napabuntung-hininga si Leuwan.
"Inom tayo mamaya. Treat ko"
"Huh, kanina lang angsaya-saya mo. Tapos ngayon, nagyayaya ka naman ng inuman"
"Tanong ka pa nga tanong. Sasama ka ba sa akin o hindi?"
"Isama natin si William at Herbert"
"Call"
Buong maghapong wala sa mood si Leuwan. Tahimik lang siya at walang kangiti-ngiti ang mukha.
Maaga silang umalis ng kanyang mga katrabaho. Napagkasunduan nilang sa bahay na lang nina Gilbert mag-inuman. Bumili ng dalawang case ng beer at pulutan si Gilbert.
Sa kauna-unahang pagkakataon, noon lang nila nakasama ang boss. Naramdaman niyang may dinaramdam ang binata kaya sinamahan nila ito sa kanyang pag-inom.
"Boss, bakit ba biglang bigla kang nayaya ng inuman?" tanong ni William.
"Hindi naming akalaing umiinom ka pala"
"Baka naman may problema ka, Sir?"
"Wala naman" pagkukunwari ng binata. Tumahimik siya at saka tiningnan ang kanyang cellphone. Pumindot ng numero, nag-ring ang kabilang linya pero biglang niya rin itong ibinaba.
"O Sir, bakit hindi mo po kinausap?" si William.
" Nagmiscol lang si Sir, ikaw naman" sabi naman ni Herbert.
"E mukhang namiss ni Sir 'yung ka-girlfriend niya"
Madaling tinamaan ng kalasingan si Leuwan dahil hindi naman ito sanay uminom. Naging madaldal ito ng tamaan ng kalasingan.
"Grabe, mga pare. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin k okay VeneXity. hanggang ngayon, nararamdaman kong napipilitan lang siya. Mailap pa rin siya. Whew! Kapag sinusuwerte ka nga naman"
"E swerte talaga, Sir. Bakit kailangan mo pang uminom?"
"Iyon na nga ang problema. Hindi na siya nagtitiwala sa akin. "
"Angliit talaga ng mundo. Buti nga po at nagkita pa rin kayo ni Ms. VeneXity"
"Hay, anghirap nilang ispelengin..."
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...