WE MET AGAIN

319 9 0
                                    

XITY'S POV

Naghanda na ako.

Sabi ng pulis, susunduin daw niya ako ng 6pm sharp.

Paano kaya niya ako matutunton?

Sumandal ako sa aking opisina at nagbakasakali.

Naghintay ako.

Nag-abang at tumingin sa bintanang salamin ng aking opisina.

Pumikit ako.

Nagulat ako ng pumasok si Jean.

Hindi na niya nagawang kumatok sa sobrang nerbiyos.

"Miss Vanilla...Ma'am..." Nauutal-utal na sabi ni Jean.

"What? Bakit parang ninerbyos ka. Anong nangyari? " Tanong ni Xity.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas"

"Kliyente?... Papasukin mo"

"Do I look like a client to you, VeneXity?"

Pamilyar sa akin ang tinig na iyon.

Ngumiti ang lalaki habang papasok ng aking opisina.

Matangkad na lalaki.

Matipuno ang katawan.

Siya siguro ang pulis na nakahuli sa akin kagabi.

Tinitigan ko ang lalaki.

VeneXity pa ang tawag niya sa akin.

Close ba kami?

Sino ba ang lalaking ito?

Naka-red stripes na polo ang lalaki. Kahit nakamaong, naka-formal shoes ito. Clean cut ang hair. Makinis ang balat pati ang pisngi. Maganda ang mga mata, matangos ang ilog. Okay, he has a nice and gorgeous, sexy lips. Magandang ngumiti...At naka-black shades.

Makisig, matipuno na parang male model ng brief... hehehe... pang brief talaga ang tipo niya.

Tipo siya ng lalaki na kapag itinaas mo ang kanyang t-shirt e puro abs ang makikita mo.

Pa-macho men ang dating, hehehe...

Tinanggal nito ang kanyang shades.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo...

Sinipat ko siyang mabuti ...

"Do I know you Sir?" Napakunot ako ng noo. Iniisip ko kung saan ko siya unang nakita.

"VeneXity Olivarez, maybe you will remember everything about what happened behind the mango tree 7 years ago?"

Bigla akong natigilan.

Namutla ako.

Ninerbiyos ng todo dahil nakatingin sa akin si Jean.

"Behind the mango tree?" Tanong ni Xity.

"Ma'am..." Nandoon pa rin si Jean na parang nahipnotismo.

"How about the necklace that you lost?" Tinitigan niya ang aking leeg.

"And you still have it" Ngumiti ang lalaki.

"Jean, you can go now."

Hindi ko ipinahalatang kinakabahan ako sa taong kaharap ko.

Masyado ba akong naging makakalimutin?

Sino ba si JLL?

"JLL... Oh my... Jude Law Lorenzo... Sgt. Jude Law Lorenzo, am I right?"

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon