FACING THE GIANTS

168 5 0
                                    

XITY'S POV

Hindi ko maintindihan kumbakit niya iyon ginawa.

Ah, kasi nasabi ko na confuse akong masyado sa nararamdaman ko kay Leuwan ngayon. Iniisip niya na nadadagan niya ang confusion na iyon hangga't nasa tabi ko siya.

Hindi niya alam kung anong klaseng parusa ang ibinigay niya sa akin ng biglaan siyang lumayo.

Nalilito lang daw ako at hindi pa naman talaga ako in-love sa kanya.

Hindi ko tinantanan si Jazzy. Ayaw niyang ibigay ang number ni Jude kahit anong pilit ko sa kanya.

Pero hindi niya iyon sinabi.


"Jazzy, kung ayaw mong ibigay. Fine... I'm about to go to Baguio City. Hahanapin ko siya doon"

"Xity, hindi mo na kailangang hanapin pa si Kuya...."

"I'll have to see him no matter what... "

"Xity, wait..."

Pinindot ni Jazzy ang numero ni Jude. Tumunog ito at sinagot ng binata sa kabilang linya ngunit nakatulugan niya ito. Madaling araw pa naman noon.

"Hello, Jazzy...Jazzy..."

"Tingnan mo ito. Madaling araw pa lang tumatawag na..."

Pinatay na niya ang cellphone.

Pinaharurot ni Xity ang kanyang kotse. Nandoon ang kalituhan ng malaman na iniwan siya ni Jude ng di nagpapaalam. Hindi niya na-gets ang binata ng huli silang mag-usap.

Malayo na ang kanyang nalalakbay.

Nasa bukana na siya ng Kenon Road. Nakita na niya ang "Welcome to Baguio City".

Madaling araw na noon.

Nakikita niya ang bangin sa gilid...

Napapalunok siya sa takot...

Napaluha siya sa takot.

Hindi siya bihasang mag-drive sa pakurbadang daanan kaya hinay-hinay pa siya ng konti.

Huminto siya sa tabing daan...

Nakakaramdam siya ng antok...

Malayo pa ang Baguio City.

Paaakyat pa lang siya ng siyudad pero medyo natatakot na ito sa biyahe.

Wala siyang nagawa kundi ituloy ang biyahe.

Hindi puwedeng hindi niya makita ngayon si Jude.

Marami siyang dapat linawin.

Abut-abot ang kanyang dasal na marating ang Baguio City sa kabila ng takot nito.

Naging matagumpay naman siya.

Dumaan muna siya sa SM Baguio para doon kumain ng agahan.

Sinimulan niyang ipagtanong kung saang presinto natatagpuan si Sgt. Jude Law Lorenzo.

Kinapalan niya ang kanyang mukha na lapitan ang mga pulis.

Magagalang naman sila at mukha din naman mababait.

"Yes, Miss... I am looking for Sgt. Jude Law Lorenzo... Bagong assign siya dito sa Baguio City."

"Ma'am, malawak kasi ang Baguio City at maraming presinto dito."

"Is there any way you can help me para malaman kung saan naka-assign ang mga bagong dating na pulis from Manila?"

"Sige po. But I won't promise, Miss..."

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon