NEW BEGINNING

107 5 0
                                    

Sinikap ni Leuwan na magfocus sa kanyang trabaho. Bagamat iniwan na siya nina Gilbert , Harold at William, may mga mga nanatiling tapat sa kanilang tungkulin at loyal sa WANSHIN CONSTRUCTION...

Inumpisahan na nila ang construction para sa mga boutique ni VeneXity.

Makalipas ang limang buwan...

Naging positibo ang pagtanggap ng media sa disenyo ng boutique ni Xity kaya na-feature ito sa isang magazine. Dahil ang WANSHIN CONSTRUCTION ang gumawa dito, naging matunog muli ang construction firm nina Leuwan at unti-unting bumalik ang mga dati niyang kliyente. Dumami ang kanyang proyekto. Sa pagkakataong ito, ay naging maingat siya.

Abala siya sa loob ng kanyang opisina. Binabasa ang ilang detalye sa bagong proyekto para sa CHINXWA HOLDINGS...

Tumunog ang kanyang cellphone. Hindi iyon rehistradong numero pero sinubukan niya itong tanggapin.

"Daddy... Daddy..." Dinig niya ang ilan pang boses ng mga bata.

"Lewisa... I miss all of you... Kumusta na kayo? " Iyak ng iyak si Leuwan.

"Daddy, miss ka na rin po namin...Hi, Dad... si Gavin po ito... Take care of yourself, Papabear...

"Daddy, Daddy..." Mukhang nakikiagaw din ang dalawang bulinggit..."

"Lewisa, Gavin... what was that?" Biglang namatay ang linya. Hindi na ito matawagan.

Lalo niyang na-misss ang mga bata... pati si Hana...

Hindi na muna siya pinauwi sa sarili nilang tirahan.

Natakot na si Hilda at baka kung ano pa ang gawin nito sa kanyang sarili.

Sa Trinity High...

Si Hilda ang nag-asikaso ng mga transfer paper ni Lewisa sa Regitrar's Office. Nalaman niyang malaki pala ang utang ni Leuwan sa tuition fee ng bata kaya tinanggap nitong maging tutor ni Jarred.

Hindi na niya ito inungkat pa kay Leuwan. Binayaran na lang niya ang kabuuan upang makuha ang Form 137 nito. Bahala na ang school na makipag-transact sa iba pang papeles na kakailanganin ni Gavin at Lewisa at ng dalawa pa niyang nakababatang kapatid.

"Uy, Jarred nabalitaan mo ba?"

"Ang alin?"

"Nag-transfer na daw sa Japan si Lewisa kaya isang linggo siyang absent"

"E ano ngayon?"

"Kawawa ka naman. Wala ng sasalo sa iyo kapag hindi mo alam ang sagot sa Math" Sabay tawanan ng mga lalaki.

"Sus, Math lang yan. Problema na ni Archimedes at Ptolemy yun"

Lalong nagtawanan ang mga kabarkada nito.

Ang totoo, nalungkot siya.

Biglang bigla, nawalan siya ng gana sa Math pero sinikap niyang pag-aralan ito dahil ayaw din niyang bigyan ng alalahanin ang kanyang ina lalo pa't maselan ang kondisyon nito sa kanyang pagbubuntis.

Nagulat na lang siya ng makita ang tawag na iyon. Hindi rehistrado sa telepono niya ang numero kaya hindi niya ito basta sinasagot.

Hindi rin siya pamilyar sa numero...

Nagmadali siyang tanggapin ang tawag, bigla niyang naisip si Lewisa.

"Hello..."

"Jarred..."

"Lewisa...ikaw ba yan?"

"Ako nga... Kumusta ka na? Pasensiya na, hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Biglaan ang alis namin." Narinig niya ang mahinag hikbi ni Lewisa sa kabilang linya.

"Magkikita pa ba tayong dalawa?"

"Kapag naka-settle na kami dito, mag-oopen ako ng Skype account so we could get in touch"

"Sure..." Medyo naging emosyonal si Jarred at pumatak ang kanyang luha sa kauna-unahang pagkakataon.

"Jarred nandyan ka pa ba?"

"Oo... I missed you so much, Lewisa"

"I missed you too, Jarred."

"Magkikita pa kaya tayo?"

"Oo naman... magkikita at magkikita pa rin tayo"

"Promise..."

"Promise..."

Call ended.

Ilang buwan ang lumipas...

Nang araw na iyon, di sinasadya....

Isang umaga, natyiempuhan ni Leuwan ang pagbaba ni Hana sa sasakyan.

May mga itatanong sana si Leuwan kay Venexity kaya ito dumaan sa KPTower na katapat lang ng Skycraper...

"Hana, where have you been? I thought you were in the Japan with our kids. I've been worried about you"

Hindi siya nilingon ng babae. Dire-diretso ito sa elevator. Sinundan siya ng lalaki.

"Hana, please talk to me"

"Miss, kindly press 10 floor for me. Thanks"

"Welcome po"

"I am..." hindi niya na ituloy ang sasabihin niya ng tingnan siya ng matalim ni Hana at saka sinampal ito.

"And now you're sorry. After what you did to me. Ano to, Leuwan. Hindi ako magmamakaawa na pakisamahan mo dahil lang sa mga bata".

Nakita ni Leuwan ang galit ni Hana. Hindi siya umiiyak ngunit makikita ang lungkot sa kanyang mga mata nito.

Lumabas ito ng elevator.

"Nakakaintindi ka naman di ba? Ayaw na kitang makita kahit kailan. Lumayo ka sa akin" at itinulak niya si Leuwan.

"Hana, listen to me. Handa kitang pakasalan ngayon din. Magsama uli tayo. Magbagong buhay kasama ng mga bata."

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga ngunit wala na doon ang sigla tulad ng huli nilang pagkikita.

"Simula ngayon, ayoko nang makita ang pagmumukha mo"

"Hana?"

"Tama ang narinig mo" at tinalikuran siya ng dalaga.

"Hana, mahal ko kayo. Ayokong mawala kayo sa buhay ko. Hindi sa pagkakataong ito" niyakap niya si Hana pero parang tuod lang ang niyakap ng binata.

"Tigilan mo na ako! Kinasusuklaman kita!"

Pero walang balak sumuko ni Leuwan. Gagawin pa rin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapalambot ang puso ng babae.

Bumaba ng building si Hana at hindi na tumuloy sa lakad nito.

Nakakulay pula ito ng bestida at naka-flatshoes ito ng puti. Dala ang isang puting bag na madalas nitong gamit.

"Mukhang tumaba si Hana ngayon a. Lalo siyang gumanda" ngunit pagtalikod ng dalaga, may kakaiba sa dalaga bukod sa tumaba ito ng bahagya. Tila lumapad ang balakang nito .

"Buntis si Hana... " Lalong napaisip si Leuwan.

Iyon ang huli nilang pagtatagpo.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon