XITY'S POV
Hindi ako dumiretso ng Hallyu Towers . Balak kong ihatid ang mga bulaklak sa aking kuwarto at doon matulog sa bahay ng aking mga magulang. Masaya ako at magaan ang aking pakiramdam.
Napansin ko ang nakaharang na sasakyan sa tapat ng bahay namin.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Minda.
"Ate, pakikuha nung mga bulaklak sa likod ng kotse ko"
Nakasunod sa kanya si Minda, hawak hawak ang mga bulaklak.
Nakita iyon ni Leuwan. Napangiti ito.
"Ma'am, kanino po galing ang mga bulaklak na ito?" tanong ni Minda.
"Naku kay Mr.Black Mustang daw? sabi ko.
"Hi Mom. Hi Dad. Nandyan na ba yung contractor ng kuwarto ko?" bati niya sa ina habang nasa tabi ito ng kanyang daddy.
"Mukhang ginabi ka na a" Sabi ng ina.
"Maysakit po kasi si Jude. Dumalaw muna ako sa kanya...So, far, he's okay now"
"Anong sakit?"
"Fatigue... Fatigue sa kaiisip sa akin" Sabay tawa ni Xity.
Nagulat si Venice dahil mukhang in-love talaga ang anak.
"Mmmm, sino naman si Mr. Black Mustang" tanong ni Daddy .
"Accidentally, nagasgasan ko ang isang bagong bagong Black Mustang noong umattend ako ng reunion. Isa pa nga po yun sa iniisip kong babayaran" sabi ko kay Daddy habang may kausap siya.
"Mr.Black Mustang? Parang yung Black Mustang sa tapat ng gate natin? sabi ulit ni Minda.
"Bakit, Black Mustang ba yon?" tanong ko.
"Opo. Di po ba may kabayo rin yun tulad ng Mercedes Benz?"
"Dad, kanino po ba yung sasakyan dyan sa tapat? Nakaharang pa talaga sa tapat ng gate." naiiritang sabi ko samantalang nakatitig ang aking Daddy. Hindi ko napansin ang lalaking kausap niya.
"Oo, maganda di ba at mukhang bago kaya lang..." humarap sa akin si Leuwan habang pinandilatan niya ako ng kanyang singkit na mga mata .
Kinabahan ako dun ah.
"Leuwan?!....Bakit ka nandito? Black Mustang?"
Napalunok ako ako sabay balik sa gate. Tiningnan kong mabuti ang Black Mustang. Sinuri ko ang magkabilang gilid nito. Laking gulat ko ng makita ang malaking gasgas dito. Sabay balik sa loob ng bahay.
Nautal ako ng muli kong makaharap si Leuwan. Mabuti at hindi ako napipi.
"Wag mong sabihing....."
"Hindi ka nagkakamali. Sa akin nga ang kotse sa labas. Bakit? May bigla ka bang naalala kung saan nanggaling ang malaking gasgas nun sa gilid?"
Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Halos di ako makagalaw sa pagkabigla .
"Sa yo yun? Oh gosh! I am so sorry about that, Mr. Black Mustang, este Leuwan pala. Whew! I don't believe this? Kukunin mo na ba ang bayad sa damage ng sasakyan mo?"
"Hindi. Nandito ako para muna sa remodeling fee na ginawa namin sa kuwarto mo"
"Bakit ikaw ba ang ....? "
"Opo."
"Uy bayad na ko ha. Sobra pa nga ang bayad ko dun e. Dad, bakit di po ninyo nabanggit sa akin na siya ang nagremodel ng kuwarto ko?"
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...
