ALL ABOUT MEN

225 8 0
                                    

SKYSCRAPER TOWER

WANSHIN CONSTRUCTION

3rd PERSON'S POV

Pagdating sa opisina, nakahanda na ang mga pipirmahan ni Leuwan at ang schedule niya para sa araw na iyon. Nanibago ang kanyang staff sa pananahimik ng kanilang boss. Buong araw itong nagkulong ng opisina. Pero tanaw nila sa glass window na nakaupo lang ito sa kanyang swivel chair na tila may malalim na iniisip. Hawak nito ang red folder na inabot sa kanya ni Tito Edwin.

Binuklat ni Leuwan ang folder na ibinigay sa kanya. Nagulat siya dahil hindi ito ang inaasahan niya.

Mga sulat ito na naka-address sa kanya simula ng umalis siya at ang huli at pinakabago ay noon lamang nakaraang buwan. Mga sulat na balak sigurong ipadala ni VeneXity sa kanya ngunit sa kung anumang dahilan at naka-file ito hindi rin niya alam. O, baka nagbago ang kanyang isip kaya hindi na lang niya ipinadala. Binasa niyang lahat ang mga sulat. Damang dama niya ang nararamdaman ni VeneXity habang isinusulat ang mga liham na iyon. Sa huli, napapikit siya at di niya namalayang tumulo na ang kanyang luha.

Hindi niya akalaing naghihintay pa rin sa kanya si VeneXity. Inamin niya sa sulat na hindi niya kayang kalimutan ang binata. Nalaman rin ni Leuwan na tulad niya, gusto rin ni VeneXity na magkabalikan sila. Handa niyang kalimutan ang nakaraan para maipagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan sa kasalukuyan. Handa niyang sundan ang binata kahit saan mang sulok siya ng mundo nandoon.

Nadagdagan ang kanyang alalahanin ng magkasabay pa sila ni Sgt. Lorenzo sa bahay nina Xity. Alam niyang matagal ng may gusto ang sarhento sa dalaga kahit noong mga estudyante pa lang sila.

"Nasaktan na kita't lahat pero minahal mo pa rin ako. VeneXity, kailan ka magpapakita sa akin?"

Naisip niyang tawagan ang ama ni VeneXity.

"Hello, Tito Edwin, si Leuwan po ito"

"Leuwan, mali yatang folder ang naibigay ko sa iyo. Idadaan na lang namin sa inyo mamaya kasi may balak magshopping ang mommy mo at si Tita Venice mo"

"Sige po, pakiiwan na lang po ninyo kay Mommy. Salamat" nakahinga siya ng maluwag.

"Hilda, natanong mo ba si Leuwan kung nagkita na sila ni VeneXity?"

"Muntik na silang magkita, Venice. Ano ba ang gagawin natin sa mga anak natin? Baka hindi tayo maging magbalae, friend."

"Be hopeful, nakita ko na mahal pa rin ni Leuwan si VeneXity. Kanina ng magpunta siya sa bahay, balak daw niyang makipagbalikan kay VeneXity. Siguro nahihiyang magtanong tungkol kay VeneXity ang binata mo."

"Oo, sabi rin ni Kris. SHe has never found someone like Leuwan. And that she can never forget. Pero mukhang walang alam si VeneXity na bumalik na ng Pilipinas si Leuwan."

"Naku itong mga anak natin, kahit noong high school, hirap na hirap umamin sa mga nararamdaman kahit pareho nang nahihirapan"

"Kaya, hayaan ninyong sila ang maka-realize nyan. Wag ninyo silang pangunahan. Malalaki na sila. Kung sila talagang dalawa ang magkakatuluyan, then it is great" sabat ni Edwin habang nakikinig sa usapan nilang dalawa.

"Korek ka dyan, balae" sabay tawanan ng magkakaibigan.

"Ehem, hindi lang yan ang problema... Paano si Sgt. Lorenzo?" sabi ni Edwin.

"Hay, oo nga pala Hilda. Hindi ko nabanggit sa iyo na nagpunta sa bahay si Sgt. Lorenzo para manligaw. Nagkataon pa na nasa bahay si Leuwan. Naku e... alam mo naman ang anak mo. Hindi rin patatalo"

"Mukhang nagkakainitan pa sila habang nag-uusap sa gate"

"Baka naman, nagbibigay na ng warning sa isa't isa"

"Not a warning but a threat"

Nagkatawanan ang magkakaibigan.

Mukhang pero silang teleseryeng inaabangan.

Sa bahay na nakita ni Leuwan ang detalye ng remodeling ng kuwarto na gusto ni VeneXity. Gusto pala niya ng lanai kung saan magmukhang nasa labas lang siya ng bahay habang natutulog sa loob ng kanyang kuwarto. May mga iilang detalye siyang gustong makita at naka-note doon na puwede siyang magbigay ng suggestion. Wag daw tipirin sa materyales dahil babayaran niya ito ng higit pa sa napagkasunduan sa kontrata lalo na kung magugustuhan niya ang pagkakagawa dito.

Para sa iyo VeneXity, titiyakin kung magugustuhan mo ang bagong kuwarto mo, ang bagong kuwarto ninyong mag-asawa. Napaparanoid na yata ako. Gusto kong magselos? pero kanino. Gumagawa lang ako ng sarili kong multo.

Bumukas ang kanyang kuwarto at nakitang sumilip ang kanyang ina. Lumabas muna ito at nakipagkuwentuhan tungkol sa kanilang shopping galore. Napansin ni Leuwan ang tatlong paper bag ng sari-saring damit.

"Tingnan mo,Leuwan. Bagay pa ba akong magsuot ng ganitong klase ng damit" tanong ng ina.

"Let me see. Hmmm, angganda ng design, Mommy. You made a good choice. Saang boutique mo ba yan nabili?"

"By Vanilla Oli yan anak. She's one of the most prestigious and most talked of the town fashion designer.Hindi lang dito sa atin kundi sa ibang bansa na rin"

"Vanilla oli? Sounds familiar. "

"Have you meet Vanilla Oli?"

"No, it is just that, I think I have heard of her name somewhere, hindi ko lang matandaan. Im impressed! "

"She has men's clothing collection. Baka gusto mo samahan kita sa boutique niya, one of these days"

"Maybe next time, I'll be busy remodeling VeneXity's room this week. I guess it will be finished for a month"

"Who said she needs remodeling for her room?"

"Tito Edwin and I discussed it this morning when I visited them"

"It seems like a honeymoon suite according to the details given"

"Can you do it?"

"I will do everything to make her happy, it's the least thing I can do."

"Is there anything that bothers you? Balita ko nagkita kayo doon ni Sgt. Lorenzo?"

"Mommy, is she getting married? Alam po ba ninyo kung matagal nang nagkikita sina Sarge at si Xity"

"I don't think so? bakit mo naisip yan?"

"Wala lang. I think I am too late to win her back, don't you think so?"

"Leuwan, if you still love her, then how can you win her back if you're doing nothing? Why don't you try?"

"How can I start"

"Its up to you, Leuwan. I think there's nothing to worry about. Kung hindi ka kikilos, puwede kang maunahan ni Jude. Matulog kana nga, pagod ka lang sa trabaho. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip mo"

Nag-isip-isip din si Leuwan. Kung ito na ang pagkakataon para magkabalikan sila ni VeneXity , kailangan niyang magmadali dahil baka siya maunahan ng sarhento.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon