Matagal na nakaupo si VeneXity sa ganoong posisyon. Hindi siya tumitinag sa kanyang kinauupuan. Pinahid niya ang kanyang luha.
Maya-maya pa ay dumating na si Jude. Naka-uniporme ito.
Nilapitan si Xity at hinalikan.
"Bakit ka malungkot? Makakasama yan sa baby natin"
"Jude, parang nalungkot lang ako. Mukhang sinaktan nga si Lewisa ng daddy niya. Nakita kong may pasa ang pisngi niya kanina. Alam kong nag-aalibi lang siya."
"Look, Honey. May mga magulang talagang magaan ang kamay."
"Bakit ba napakagaan ng loob ko sa batang iyon?"
"Kasi nga, wala pa tayong anak na babae... No worries... 7 months away and we'll have our own baby girl"
Narinig iyon ni Mimi.
"What? Buntis ka, Xity... Wait... You don't have to be stress. First trimester, dapat masaya ka palagi, di ba Sir Jude?... "
"Tama...Kaya huwag ninyo siyang bigyan ng stress sa trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo, Mimi?"
"Hehehe... Opo Sir Jude..." Napakamot na lang ng ulo si Mimi.
Magkasamang umuwi sa mansion sina Jarred at Lewisa.
Magkaibigan ang dalawa simula ng dumating si Lewisa sa Trinity High.
Wala siyang ibang malapit na kaibigan kundi si Jarred kaya tinutulungan niya ito.
"Thanks pala ha! Binigyan ako ni Tita Xity ng autograph picture niya at binigyan niya ako ng dress from Vanilla Collection. Iyon ang style ng damit na gustong gusto kong ipabili kay Daddy"
"Wala yun. Basta gusto ko palagi kang masaya"
"Mabait ba talaga ang Mama mo?"
"Oo, napakabait niya..."
"Mabait din ba ang Papa mo?"
"Oo naman... "
"Bakit mo naman naitanong?"
"May mga magulang ba talagang nananakit?"
"Hindi ko alam..."
"Sa tingin mo, kapag sinaktan ba ng magulang ang anak, pagmamahal bang matatawag iyon?"
"Bakit kailangang saktan kung mahal pala? May ibang paraan kung paano ipapakita ang pagmamahal. Hindi dapat nananakit. Tama ba?"
"Paraan ba iyon ng disiplina?"
"Disiplina? Ah, noong bata kami, minsan napalo kami ni Papa kasi nadulas si Mama sa kakulitan namin pero hindi na iyon nasundan pa. Siguro, masasabi kong dinisiplina lang kami ni Papa"
Tumahimik si Lewisa.
"Salamat, Jarred."
"Mahal ka ng magulang mo. I assure you that"
Saka ngumiti ang dalaga.
Maagang inihatid si Lewisa ng kotse. Payapa naman itong nakapasok sa kanilang bahay.
Pagdating ni Leuwan, kinumusta lang ang mga bata at pumasok sa kuwarto ni Lewisa upang tingnan kung nakauwi na rin ito. Nakita niyang nakasuot ng magandang damit ang anak habang umiikot-ikot ito sa harap ng salamin. Ang damit na matagal na niyang hinihiling sa kanya.
"Kanino galing ang damit na yan?" Singhal nito.
"Daddy... "
Nasulyapan ni Leuwan ang paperbag kaya lalo itong nagwala.
"Hubarin mo ang damit na iyan. Ngayon din..." Sigaw nito.
Pumasok ang dalaga sa banyo at hinubad ang damit.
"Kung sinuman ang nagbigay sa iyon ng damit na iyan, ibalik mo sa kanya bukas na bukas din"
Umiling ang dalaga.
"Ibalik mo yan"
"Dad, bakit po ba ang init ng ulo ninyo sa tuwing makikita ninyo ako? Wala naman po akong ginagawang mali a. Bigay po ito sa akin. Nakakahiya naman pong ibalik ko ito"
"Ah ganun... Bakit ? Wala ka na bang damit? "
"Daddy, gusto ko po kasi ng mga damit sa Vanilla Collection pero ayaw po ninyo akong ibilhan"
"Madaming mas magagandang damit... Bakit doon ka bibili?"
"Bigay po sa akin yan ni Ms. Vanilla... Mama po kasi siya ni Jarred."
"Lalong tigilan mo na ang pagpunta-punta mo sa mansion. Huwag mong turuan si Jarred. pareho lang sila ng kanyang ina na mahina sa Math"
Nagulat si Lewisa sa sinabi ni Leuwan. Kasalukuyang nakikinig si Hana sa usapan ng mag-ama.
"Daddy, kilala po ninyo si Ms. Vanilla..." Ipinakita ang larawan ng sikat na designer.
"Humingi nga po ako ng picture niya with signed autograph..." Pero pinunit iyon ni Leuwan kaya lalong nag-iiyak si Lewisa.
"Daddy, huwag..."
Kitang kita ni Lewisa kung paano iniyakan ni Lewisa ang litratong iyon ni VeneXity. Hindi niya inaasahang makikita ang ganoong reaksyon sa anak ng punitin nito sa larawan. Humagulgol ito sa sobrang sama ng loob. Pinulot isa-isa ang pira-pirasong papel.
Lumabas si Leuwan at pumasok sa kuwarto nilang mag-asawa.
"Leuwan, huwag mong idamay ang mga bata. Pakiusap..."
Hindi umiimik si Leuwan.
"Huwag mo akong turuan kung paano ko didisiplinahin ang mga anak ko"
"Anak ko rin sila. Ako ang nagluwal sa kanila at siyam na buwan ko silang dinala... kaya wala kang karapatang pagbuhatan sila ng kamay o saktan ang kanilang damdamin"
"Anong alam mo sa pagiging ina?"
"At ikaw, anong alam mo sa pagiging ama? Kailan ka naging ama para sa kanila? Apat na sila pero hindi ka nagbago. Naging bugnutin ka, irritable. At kahit wala silang ginagawang masama lagi mo silang pinagdududahan. Ano bang problema mo sa kanila? Mga bata pa lang sila at wala silang kinalaman sa mga pinagdadaanan mo. Huwag mo silang pagbuntunan ng galit mo"
"Itikom mo yang bibig mo, kung ayaw mong ..."
"Sige, ituloy mo. Sasaktan mo ako... matagal mo na akong sinaktan. Mas masakit ang ginagawa mo sa akin pero nagtitiis ako alang-alang sa mga bata. Gusto ko ng buong pamilya pero kung ayaw mo sa amin, Leuwan hindi mo kami kailangang ipagtabuyan. Hindi mo kami kailangang saktan ng ganito. Kung hindi ka pa rin nakaka-move on kay Xity... wala na akong magagawa, aalis kami ng mga bata. Hinihintay kami nina Mama at Papa sa Japan. Doon na kami titira"
Dinig na dinig ni Gavin at Lewisa ang usapan ng mag-asawa.
"Xity? Mama ni Jarred yun a..."
"Sabi ko na nga ba eh... Dating girlfriend ni Papa si Ms. Vanilla. Sa pagkakatanda ko, narinig kong nagkukuwentuhan sina Lola Hilda at Lola Venice tungkol kay Daddy at Tita Xity... VeneXity is here real name."
"Nakakaawa pala ang love story ni Daddy kung ganun..."
"Wala talagang forever..." Sabi ni Gavin.
"Uy mga bitter lang na tao ang hindi naniniwala sa forever anoh!"
"Bitter si Daddy..." Bulong ni Gavin kay Lewisa kaya naghagikhikan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...
