OFF TO WORK

119 4 0
                                        

Kinabukasan.

"VeneXity, kompleto na ba ang gamit ng bata?"

"Opo, handa na si Judy na pumasok ng opisina kasama si Mommy Xity"

"Sinong kasama mo?"

"Daan po si Mimi dito"

"Mommy, nandito na po yata si Mimi. Aalis na po kami"

"Hello, Tita Mimi. I am Judy"

"Hello, baby Judy"

"Kamukhang kamukha ka talaga ni Jude"

"Syiempre, siya po ang daddy ko e"

Pag-akyat ng opisina, nagulat siya ng madatnan niya si Leuwan sa loob ng opisina. Kinuha ni Mimi ang bata at isinama sa kanyang cubicle. Tuwang tuwa naman ang buong staff ni VeneXity ng makita ang baby sa kanilang opisina.

"Good morning, VeneXity"

"Yes, good morning Mr. Shin. What can I do for you?"

"Gusto ko sanang malaman kung sino ang batang lalaking model mo?"

"Naku, Leuwan. Sorry kasi confidential yan e"

"Bakit hindi puwede?"

"Siguro naman, alam mo kung ano ang ibig sabihin ng CONFIDENTIAL..."

"Okay, fine..." Napabuntunghininga si Leuwan.

"What's with your sigh? May problema ka ba?"

" Anyway, I might be gone for long. And we might not see each other again." Sabi ni Leuwan.

"Hmm, saan naman ang bakasyon mo?"

"Pupunta muna ako sa Amerika habang wala dito ang mga bata at si Hana."

"Bakit hindi mo siya puntahan sa Japan? Dati, hindi mo ako sinundan kaya tuluyan na akong nag-give up. Gagawin mo din ba kay Hana. That's the problem with you... You're pride."

"Hindi ko alam kung paano uumpisahan"

"Get a ticket online. Pay for it and go and tell her to comeback"

"That's easy for you to say" Sabi ni Leuwan.

"Leuwan, I'm telling this because I've been there. Alam mo, mahirap maghintay di ba? In the first place, who's at fault? Who among you would be willing to give up the fight? Ano bang ipinaglalaban ninyong pareho?"

"Xity..."

Nasa mainit silang diskusyon ng dumating si Jude.

"May away ba? Ang aga-aga, dinig ang diskusyon ninyong dalawa sa labas... Sa susunod, magsarado kayo ng pinto" Sabi ni Jude.

Ngumiti ang babae at humalik sa asawa pero hinarap pa rin si Leuwan.

"Bakit feeling mo, binata ka pa? Remember, may mga anak kayo... Don't waste your time away from your family. You don't know what you've missing for, di ba, Jude..."

"Tama! Hanga nga ako sayo, Leuwan... Isang taon? Paano mo nakaya yun? Isang buong araw nga lang nami-miss ko na sina Xity at ang mga bata lalo na si Judy... Isang taon pa kaya?"

Nakayuko lang si Leuwan.

"Hay naku, matigas talaga ang ulo ni Leuwan kapag pinagsasabihan"

"Going after Hana..."

"Hindi mo ba nami-miss ang pamilya mo, Leuwan? Alam mo bang napagalitan ni Xity si Jarred sa laki ng bill namin sa telepono dahil sa mga collect calls ng aming binata kay Lewisa. Iyak ng iyak ang daddy's girl. Ipinagbawal ni Hana na tawagan ka."

"It's not too late... You still have the time of your life"

Hindi ito inaasahan ni VeneXity. Mukhang nag-give up na si Leuwan. Nangilid ang luha nito pero hindi niya ito pinahalata ng kausap.

"Thanks for the advice..."

"Until then, Leuwan. Be back with a clear plans for your family"- Jude.

LEUWAN'S POV

Ano pa nga ba ang ginagawa ko dito?

Sana noon ko pa sinundan ang pamilya ko sa Japan.

Nakakaawa naman ang aking mga anak.

Alam kong mahihirapan din si Hana pero pinili kong mag-isa para mas maliwanagan ako kung ano ang gusto ko sa buhay sa hinaharap.

Tuluyan ko ng pinakawalan ang alaala ni VeneXity.

Masaya na siya at ako na lang ang nagpapakalunod sa sitwasyong puwede ko namang iwan kung handa na akong magbagong buhay.

Ano bang nangyari sa akin?

Oras na para gumising sa matagal na pagkakatulog.

Masarap mabuhay.

Umalis pa rin ako.

Inasikaso ko muna ang construction firm namin sa Amerika.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon