Pagbalik sa siyudad ng katotohanan, harap sa trabaho ang ginawa nila.
Pagpasok ng condo, si Jazzy kaagad ang kanyang tinawagan at kinumusta si Jude.
"Okay lang siya, Ate..."
"Ate?... " Sabay tawa ni VeneXity.
"Sooner or later, magiging ate rin kita..." Natawa din si Jazzy.
"I like that, Sis..."
"Dumalaw ka daw dito sabi ni Mommy at Daddy. Eat lunch with us sometime. Give me a ring kung hindi ka busy."
"Sure, I will..."
Gumaan ang pakiramdam ni VeneXity.
Kinabukasan, sa opisina...
Lahat ng mga naiwanan nilang trabaho ay itinuloy niya ng may ngiti sa labi. Masaya siya sa narinig mula kay Jazzy. Kabilaan ang miting ni VeneXity sa opisina. Busy siyang masyado para i-update ang sarili sa mga gawaing ibinigay niya sa bawat department ng kanyang opisina.
"Yes, Sir. May miting pa po si Ms. Vanilla until now. You can call at around..." hindi na pinatapos ni Leuwan ang sinasabi ng sekretarya. Nainis lang siya dahil kanina pa niyang hindi makausap si VeneXity.
"Sir, kanina ka pang nakasimangot. May problema ba?" sabi ni William.
"Hay naku, na-miss niya agad si Ms. Vanilla" panunukso ni Gilbert.
"Ano ka ba? Parang di ka naman naging teenager. Ganyan talaga!" dadgdag pa ni Herbert.
"Puwede, tigilan ninyo ako" sagot ni Leuwan.
Ibinagsak ang ballpen sa mesa.
Pumindot uli ng numero sa cellphone. Ibinaba ulit. Pindot ulit. Baba ulit.
"Hay naku po. Pudpod na ang keypad mo,Sir"
Bumuntong-hininga si Leuwan.
"Sobrang busy ba siya at hindi man lang niya ako matawagan" sabi nito sa sarili.
"Masama na yan. Kinakausap ang sarili" parinig ni Wiliiam.
"Baka naman balak ng mag-asawa" sulsol pa ni Herbert.
Hindi niya pinansin ang mga kasamahan na kanina pa siyang tinutukso. Wala siya sa mood at wala siya sa sarili niyang katinuan. Gusto niyang mainis sa sarili kumbakit parang bubblegum lang si VeneXity na nakadikit sa kanyang isip ngayon. Di siya makapagtrabaho ng maayos. Hindi siya makapag-isip ng tama. VeneXity is invading him. Lagi niyang naiisip ang mga eksena nila sa kuwarto. Namimiss niya ang yakap at halik ng kasintahan.
Tumayo si Leuwan. Sumilip sa bintana. Nakaisip siya ng paraan. Ipinagawa niya agad sa lahat ng katrabaho niya. Malaking I MISS YOU VENEXITY ang idinikit ng pabaliktad para mabasa ang mensahe ng diretso sa labas.
Sa sobrang busy ni VeneXity, hindi na niya namalayan kung ano ang nangyayari sa labas ngunit isa sa mga staff niya ang nakapansin ng mensahe.
"Karen, we're in the middle of a meeting. What are you staring outside?"
"Ma'am, silip po kayo sa bintana " I MISS YOU VENEXITY", kinuha ni VeneXity ang cellphone at nakita roon ang miscol ni Leuwan. Pinindot ang numero.
"Okay, let's have a 10 min. break"
Hiyawan lahat ang mga staff na kasama niya sa miting.
"Just very busy. Sorry, I cant really get your call. I have to catch up with a lot of things"
"Puwede ba tayong sabay na kumain mamaya?"
"I can't. Leuwan, please lang. Spare me sometime. I got a lot of work to do"
"Bakit wala ka bang oras para kumain man lang? I was thinking na iniiwasan mo ako"
"Leuwan, please... Don't be so silly."
Iyon ang isang bagay na ayaw ni Xity. Minsan, parang bata si Leuwan, papansin lang din.
With Jude, she can get all his support. Hindi siya demanding sa oras lalo na kung alam niyang busy siya sa trabaho. Hindi siya dumadagdag sa stress ng dalaga.
Kaya nga mas gusto niyang kausap ang binata.
Understanding, thoughtful....
Kung hindi puwede si Xity, siya ang pupunta sa office pero hindi siya mangungulit na parang nakakairita.
Mas nawawala nga ang pagod niya kapag si Jude ang kausap .
Masaya nilang ibaba ang kanilang mga telepono, hindi yung puro na lang buntunghininga.
"Okay." ibinaba kaagad ni Leuwan ang telepono na masama ang loob.
Itinalikod ang swivelchair at tahimik lang siya habang kinakausap ang binata sa kabilang kable. pinasok naman ni Jean at Mimi ang miryenda.
"Ma'am, padala ni Sir Leuwan"
"Okay,just serve it to them."
Hindi makakain ng maayos si VeneXity sa sobrang busy. Puno talaga ang schedule niya. Hindi na niya namalayang uwian na pala. Sinenyasan siya ni Mimi ng Time's Up. Dismiss kaagad ang buong department. Umuwi na rin siya para magpahinga.
Isang linggo ring puno ang schedule niya. Binabasa na lang niya ang mga text ni Leuwan pero hindi niya magawang mag-reply. Ilang araw niyang iniwan ang cellphone sa condo para hindi rin siya maabala.
"Ms. Vanilla, nandito na po yung high school friends ninyo to check on their entourage"
"Yes, thank you. Pakitawagan na lang si Ms. Mildred to assist them in fitting their gowns and suits"
"Lalabas po ba kayo?"
"Yes, I'll see them in a minute. Dalhin mo na sila sa fitting room"
FITTING ROOM
"Hi there, VeneXity" bati ni El Xandria.
"Hello, El Xandria, Axel" sabay beso sa dalawa.
"So, what do you think of the gown?"
"It fits well at angganda!" umikot-ikot pa si El Xandria sa harap ng salamin habang suot ang kanyang wedding gown.
"How about you and Leuwan? Don't you have any plans yet?" tanong ni Axel.
"He has plans but I don't have yet" sagot ni VeneXity habang nakatingin sa kanya si El Xandria.
"That's quite sad" sabi ni El Xandria. Napansin ni Xandria ang daliri ni Xity.
"Engaged already? "
"Yes, but..."
"Bakit may But.. You are the perfect match. What keeps you from saying Yes to him?" sinenyasan ni El Xandria na umalis muna si Axel.
"Ano ka ba? madali lang mag-asawa lalo na pag nandyan lang ang mapapangasawa mo. Lalabas muna ako saglit' sabi ni Axel.
"VeneXity, its time to move on. I haven't told you this. I was so sorry about what happened to the two of you. I know we caused you so much pain. Axel didn't mean to hurt you. When we saw you fighting with Leuwan, we realized how much you love each other. He cant say any words to soothe your feeling but seeing the way he hugged and kissed you, we regret what we have done. after that seem to be okay pero hindi nap ala. You broke up silently with him. We know Leuwan too well. Kahit magkahiwalay na kayo for college and Leuwan worked abroad, he didn't missed asking about you. Leuwan cant fake it during the reunion. He wanted to see you there. Pero kay Cymphonic ka lang yata nagpakita" niyakap ni VeneXity si El Xandria.
"Huwag kayong mawawala sa bridal shower ko at sa stag party ni Axel. Ikaw na ang bahala sa invitation card para kay Leuwan"
"We wont miss it"
"I'll send you the check of full payment"
"Thanks......"
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...