CONFUSED HEART YET IN-LOVE

168 7 0
                                    

Pagkaalis na pagkaalis ni Jude.

"Anong ibig sabihin nun, Xity?"

"Mom, kami na po ni Jude"

"Hay naku, sigurado ka ba sa pinapasok mo"

"Mommy, pitong taon na po akong naghihintay. Kailangan ko naman po sigurong harapin ang buhay ko at ang kaligayahan ko. Nakakapagod pong mabuhay sa kalungkutan... Ayoko na po dun...Masaya po ako kapag kasama ko si Jude..."

"Paano kung magkita kayo ni Leuwan?"

Biglang napaiyak ang dalaga sa pagkakaupo nito. Nagulat ang mag-asawa.

"VeneXity, may problema ba?"

"Mom,Dad, I went to see Leuwan purposedly in Dubai. But he wasn't there anymore" tahimik na humikbi ang dalaga.

"Ha..."

"Nagkataong tumawag si Jude. Hindi ko napigilang maiyak. Kinabukasan, nasa pintuan ko na siya. He was so worried about me that he has to accompany me til I get back to my senses"

"Kung iyon lang ang dahilan para sagutin mo siya..."

"I am so confused right now.. "

"VeneXity, magpahinga ka muna. Pagod ka pa sa biyahe"

"How can I sleep when everytime I close my eyes, I see Leuwan's face? "

"VeneXity?"

"Where could he be? Why am I hurt? And why is he making it difficult for me to see him?"

"VeneXity, get rest muna. We'll talk this over when you wake up, ok"

Sumunod si VeneXity sa kagustuhan ng ina. Natulog ito ng walang halong pag-aalala palibhasa nga ay pagod talaga ang dalaga mula sa biyahe. Malamig sa loob ng kuwarto ni VeneXity kahit walang aircon. Meroong effect ng lumalagaslas na sa loob ng kuwarto niya na mas nakapagparelax sa dalaga.

Halos buong maghapong natulog si VeneXity. Walang umistorbo sa kanya. Hindi rin tumawag si Jude.

Pagkagising, hangang hanga siya sa pagkakagawa ng bagong kuwarto niya. She didn't even think that it would turn out exactly the way she pictured it. Imagine mo, may lanai sa loob ng kuwarto niya. May mini- garden at fishpond pa siya sa loob. Mayroon ding swing para sa dalawang tao na malapit sa terrace, overlooking the outside area. Hindi niya akalaing ganito kaganda ang magiging resulta ng kanyang imahinasyon.

Maganda sana kung nandito rin si Leuwan. Para lang kaming nasa garden kahit nasa kuwarto kami. Hindi na namin kailangang lumabas.

Bakit double bed? Dahil yon para sa kanilang dalawa ni Leuwan.

Lumapit siya sa drawer ng kanyang study table. May hinanap na folder doon. Bigla siyang kinabahan. Talagang hinalughog niya ang buong drawer pero hindi niya makita ang hinahanap.

Mommy" sigaw ni VeneXity.

Tumakbo ang ina at ama sa sobrang kaba dahil na rin sa sigaw ni VeneXity.

"Bakit angkalat dito sa kuwarto mo?" tanong ng ina.

"May nakialam ba dito sa drawer ko?" tanong din ang sagot ni VeneXity.

"Wala naman"

"May nawawala sa drawer ko"

"Anong nawawala?"

"May folder dito. Tandang tanda ko, dito ko lang iyon inilagay"

"Ano bang laman ng folder na 'yon? " tanong ng ama.

"Mga sulat ko po kay Leuwan pero hindi ko nagawang ipadala sa kanya" mahinang bulong nito sa sarili, ngunit dinig ng ama ang binanggit niyang pangalan ni Leuwan.

Salarin ang ama sa pangyayaring ito dahil mali ang folder na naibigay niya kay Leuwan na akala niya ay naglalaman ng detalye ng remodeling para sa kuwarto niya. Hindi pa ito ibinalik ni Leuwan sa kanya. Kung ganun alam na ni Leuwan na mga sulat ito para sa kanya kaya marahil hindi na niya ito ibinalik.

"Halika na muna sa baba at ipapahanap na lang natin yan kay Minda"

"Kain ka muna"

"Mommy, ipaakyat mo na lang po dito yung pagkain. Gusto kong namnamin ang ganda ng aking bagong kuwarto"

"Okay, magpaakyat ka rin dito ng isang tasang kape at mag-uusap kami ng anak mo"

Napatingin si VeneXity sa kanyang daddy. Mukhang may seryoso silang pag-uusapan.

"Dito muna tayo maupo sa swing" yaya ng ama.

"Dad?"

"VeneXity, mahal mo pa ba si Leuwan?"

"Dad, I told you that I can never forget him."

"What about Jude?"

"Love is like a gamble, Dad. You win or you lose and later you gain nothing at all but pain from the experience. You never play like you do not want to win. But some people wanted to love just to experience it"

Tumango ang ama. Hinaplos ang mukhang ng kanyang nag-iisang anak.

"You have looked for him. So this time, let him look for you"

"Sa tingin mo po ba, hahanapin din niya ako? Hindi na niya ako mamumukhaan o makikilala. Marami ng nagbago sa akin at hindi na ako yung kasing simple ng babaeng una niyang nakilala."

"Just wait , some people need to think and make them realized your worth"

"Isnt it too late for that? I give him up already"

"Will you give up on him without any regret?"

"I'll regret for sure. But Jude is taking the risk..."

"And, what have you decided?"

"I think I'll give it a try"

Kumain ang mag-ama sa loob ng kuwarto. Masaya silang nagkuwentuhan ng biglang pumasok ang ina.

"VeneXity, kailan pala natin ibibigay ang full payment sa WANSHIN CONSTRUCTION?"

"I have the check with me "

"Are you sureabout this?" tanong ng ina.

"Ang laki naman nito. Doble sa napag-usapan ninyo" sabi naman ng ama.

"Mommy, Im keeping my promise to pay him higher than what is stated in the contract lalo na kapag nagustuhan ko ang pagkakagawa nila. Tsaka napansin ko na walang ibinigay na professional fee yung engineer. Baka mamaya, date pa ang hingin nun sa akin e hindi pa ako makatanggi lalo na kung guwapo siya" sabay tawa ng malakas ni VeneXity.

Nagkatinginan lang ang mag-asawa sa ikinilos ng dalaga.

Silly mind" sabi ng ama.

"Ipadala na po ninyo yan bukas. Nakakahiya naman." baling nito sa ina.

"Venice, may bagong lovelife ang anak mo"

"Mommy, sa tingin po ba ninyo, okay lang si Jude?"

"Okay na okay naman Iha. May first impression last for him"

"Basta, happy ako ngayon..."

"Oh, VeneXity..." Nakangiti ang ina dahil sa kasiyahan. Kakaiba din ang ngiti ng anak.

Pero alam niyang hindi iyon madali lalo na kung bigla silang magkita ni Leuwan.

Sa kuwarto ng mag-asawa...

"Dad, paano kung magkita sila?"

"Hindi ko inaasahan ang sinabi ni VeneXity"

"Pero iba ang ningning ng mga mata ni Xity like she's in love"

"Hindi ba parang nagkukunwari siya?"

"No, Dad... But we'll see kapag nagkita sila ni Leuwan"

Ilang araw ding hindi pumasok ng opisina si VeneXity. Mas gusto niyang matulog at magkulong sa loob ng kanyang kuwarto. Gusto muna niyang tumunganga at magrelax bago bumalik sa nakakapagod niyang trabaho. Naka-turn off ang kanyang cellphone para di siya maistorbo at ma-stress ng mga tawag ni Mimi at Jean. Sinabihan na rin ang ina na wag siyang iistorbohin lalo na kung galing sa dalawa ang tawag.

Sapat na rin ang tatlong araw para makapag-fully recharge siya.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon