REVELATION 101

188 7 0
                                    

OLIVAREZ'RESIDENCE

Hindi makapaniwala na nagmukhang isang artistic piece ang loob ng kuwarto ni VeneXity. Na-impress silang mag-asawa sa ginawang effort ni Leuwan para pumasa ito sa panlasa ni VeneXity.

"Nasaan po pala si VeneXity, Tita", noon lang siya nagkaroon ng lakas na loob na banggitin si VeneXity sa usapan.

"Pauwi pa lang si VeneXity galing Dubai"

"Doon po ba siya nagtatrabaho?"

"Hindi. May fashion show sila doon ngayon"

"Ah, so modelo po ang work ni VeneXity?"

"Hindi rin. Di mo ba alam na fashion designing ang kinuhang kurso ni VeneXity. Fashioner designer na siya."

"Talaga po?"

"How come I don't hear much of her name in the Fashion Industry?"

"It's because she prefer using a screen name. Parang mga artista lang like Vanilla Oli"

"Vanilla Oli?" nag-isip siyang mabuti kung kanino niya narinig ang pangalang iyon.

Naalala niya ang designer clothing na isinuot ng mommy niya. Galing pala sila kay VeneXity. Saan pa nga ba? Tinayp niya ang pangalang Vanilla Oli sa cellphone niya. Gotcha, may Vanilla Oli dun at sa pagkakaalam niya, ito ang nakagasgas ng Black Mustang niya.

"Leuwan, bakit?"

"Wala, tita. Sige po uuna na po ako."

"Teka, payable to your name ba ang ilalagay sa tseke"

"Hindi po. WANSHIN CONSTRUCTION po ang ilagay ninyo. name ng company namin. Babalikan ko na lang po ang cheque kung gusto ninyo"

"Ingat, iho."

Pagdating sa bahay, napaupo siya sa sopa. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga nalaman niya ngayong araw.

"Mom, why didn't you tell me anything about VeneXity?"

"Leuwan, what's wrong?"

"Had she been her last time?"

"Yes?"

"Siya ba ang sinasabi ni Inday na magandang babae na kausap mo sa lanai?"

"Yes?"

"I knew it. Alam kong siya lang ang pinapakain mo ng chocolate cake kapag may bisita po kayo. Siya na ba si Vanilla Oli?"

"Yes?"

"Mom, why didn't you tell me right away?"

"Iho, ano bang nangyayari sa yo? Nakayuko si Leuwan at umiiyak.

"VeneXity purposedly went to Dubai not just for the fashion show but she wanted to see me. Mom, nandun siya ngayon. Pinuntahan niya ako sa kompanyang dati kong pinagtatrabahuhan. Umiiyak siya ng malaman niyang wala na ako dun"

"Who told you that?"

"I called my friend awhile ago. Nabanggit niya sa akin na may nagpunta raw doong VeneXity Olivarez, claiming to be my fiancée"

"Leuwan? I didn't know that you are still interested about Xity. All this time, you have never asked anything about her. So, how would I know? Hindi ko alam kung iniiwasan mong pag-usapan si Xity kaya wala akong binabanggit tungkol sa kanya"

"Mom, I am worried and sick thinking about her all this time. I am dying to see her now" napayakap na si Leuwan sa ina. Mas tumindi pa ang iyak niya.

"You'll have to wait,Leuwan. She'll be back next week.Now is the time to win her back, Leuwan."

"Mom, how could I hurt her? I am so foolish."

"Both of you are always in denial of your feelings.Kahit noong mga high school kayo, ganyan na ganyan kayong dalawa."

"What have I done? Sana hinanap ko siya agad pagbalik ko ng Pilipinas?"

"And you failed to do it"

"I don't know if I am ready to see her"

"Get rest, iho. Everything will be alright"

"This time make her say "YES", Leuwan" sabi ng kanyang daddy na kanina pa silang pinakikinggan sa may pinto.

"I will, dad. I just don't know how to start"

"It's now or never Leuwan. Baka hindi mo namamalayan, nahulog na ang loob ni Xity kay Jude"

"Alam din po ninyo..."

"Nabanggit sa amin ng Tita Venice mo na matagal nang nanliligaw si Jude. As I can see, Jude is much matured than you. Stable and professional like you and at a marrying age already. If he will use his charm and his persistence to court Xity, hindi na ako magtataka kung isang araw ay malalaman kong sila na ni VeneXity. Ikaw din. Papayag ka bang maagaw siya ng iba?"

Natapos ang remodeling sa kuwarto ni VeneXity kaya hindi na gaanong nagpupunta doon si Leuwan. Mas busy siya ngayon sa pagbisita ng mga construction sites para ma-check niya kung nasusunod ba ang mga guidelines sa pagpapatayo ng mga building na nasa pangangasiwa nila.

Buong maghapon siyang nasa site kaya pagdating nito sa bahay dumiretso kaagad sa kuwarto at nahiga. Ni hindi man lang niya nagawa pang magpalit ng damit. Alas diyes na ng magising siya. Hindi na siya ginising ni Hilda dahil malamang ay nagbabawi ito ng tulog sa sobrang subsob sa trabaho.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon