AVOIDING THE PAST

179 6 2
                                        

Maagang pumasok si Xity sa opisina. 

Seryoso ang mukha nito.

 Hindi siya malungkot pero walang ngiti sa labi.


"Jean, huwag mong papapasukin si Mr. Black Mustang sa office ko ha!" bilin ng lady boss sa kanyang sekretarya.

Mukhang mainit ang ulo ni Ma'am.

"Yes, Ma'am. Nasa table na po ang schedule ninyo for today"

Hindi na tumugon ang dalaga. Pumasok ito sa loob ng opisina at ipinatawag ang lahat sa conference area for the meeting. Handa naman ang kanyang staff para sa kanilang presentations. Kailangan niyang matapos ang meeting na ito dahil hindi lang naman ito ang kanyang gagawin.

Naninibago lang dahil wala si Jude.

Walang nagti-text sa kanya.

Wala siyang nakakausap sa cellphone ng ganoon kaaga.

Walang nagtatanong kung kumusta ang buong maghapon niya sa trabaho.


XITY'S POV

Ano ba si Jude para sa akin?

Si Jude, tulad ni Leuwan, matagal na naghintay sa akin.

Hindi siya umasang magkikita kami balang araw.

Umaasa siya na magkakaroon ng katuparan ang matagal na niyang hiling... maging girlfriend si VeneXity.

Basta, isang araw nagkita na lang kami...

Sa maikling panahon, naipakita niya sa akin ang totoong pag-ibig...

Matured, hindi childish kumilos at mag-isip...

Mahalaga para sa kanya ang hinaharap...

Maikli lang daw ang buhay para sayangin ang bawat araw...


Pagkatapos ng department meeting nila ay maaga niyang tinapos ang kanyang mga gagawin. Pumirma ng tseke para sa mga biniling tela at sa payroll ng mga empleyado. Hindi siya nagpaistorbo sa kanyang opisina.

Nasa kalagitnaan sila ng kaabalahan nang lumapit si Jean.

"Ma'am, nasa labas po si Mr. Black Mustang"

"Jean, ano ba ang sabi ko sa iyo kanina?"

"E Ma'am, makulit po si Sir"

"Hayaan mo siyang maghintay sa labas. Mangangalay din yun"

"Ma'am naman"

"Bakit naaawa ka sa kanya? Kailan pa?"

Tumalikod si Jean at nagtataka sa inasal ng kanyang lady boss.

Kahapon ay wala na rin ito sa mood pumasok. Lalo na ngayon, tulad lang din ng dati at nakasanayan na niyang makita, nakasimangot ito at masama ang timplada.

Napansin nina Mimi at Jean na hindi nagpapakita si Jude.

"Ay walang duda... Mainit ang ulo dahil wala si Sir Jude"

"Korekek!"

"I told you , mas main-love yan si Ma'am kay Mercedes Benz"


Bandang 3:oo clock na ng hapon siya natapos sa kanyang mga gagawin. Exhausted na siya.


Sa cubicle ng mga empleyado...

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon