3RD PERSON'S POV
Kinabukasan....
Nagising na lang siya sa tunog ng kanyang cellphone.
Tawag mula kay Jean.
Ang isa ay miscol galing kay Mimi.
Mali-late na siya sa trabaho ng bigla niyang maalala ang kanyang violation dahil beating the red light siya.
Nasa parking area na siya, sa loob ng kanyang kotse.
Tiningnan ang violation slip na ibinigay ng pulis.
Nagulat siya at napakunot ng noo.
"Dine with me and claim your license. I'll fetch you up at 6sharp in the evening. JLL." Napangiti si Xity.
"What ? Hindi ko man lang napansin kagabi na ito pala ang inilagay niya.
Sino ba ito?"
"JLL... Initials na JLL..." Lalong nag-isip si VeneXity.
Parang hindi siya puwedeng humindi. Nakasalalay dito ang kanyang lisensya.
Hindi siya puwedeng magmaneho lalo na kung wala siyang lisensya kaya kapit sa patalim ang kanyang gagawin kung sino mang pulis ang naglakas ng loob na i-date siya.
"Date? Matagal na akong hindi nakakapagdate. Si Leuwan ang una at huli kong ka-date... Ah , hindi pala... " Bigla siyang napangiti. Isang misteryosang ngiti.
Pumasok siya sa opisina at Nagulat ng makita ang mga pumpon ng bulaklak na una niyang natanggap mula kay Leuwan. Tinawagan ko ang guwardiya.
"May nakapasok ba dito sa opisina ko? Sinong nagpadala ng mga bulaklak na 'yan sa lamesa ko?"
"Ma'am, di po ba may card yan?"
Kinuha ko ang card at binasa ito. "Don't get yourself too exhausted because of work" pero walang pangalang inilagay.
"Tinanggap ko lang po 'yan mula sa messenger ngayong umaga"
Ang OA naman yata ng reaction ko. Bulaklak lang, may pagpanic agad ang drama. Di naman bulaklak ng patay ang pinadala. Actually, si Leuwan lang ang nakapagbigay sa akin ng ganitong klaseng bulaklak. In fairness, anggaganda ng mga bulaklak. Nagustuhan ko talaga. Matagal-tagal na rin akong di nakakatanggap ng bulaklak. Salamat na rin, kung sino man ang nagpadala nito.
Naging maganda ang pakiramdam ko buong maghapon. Kahit medyo may mga palpak na nangyari sa staff ko, hindi ko nagawang magalit. Nakangiti lang ako habang nagtatrabaho.
"Mimi, mayroon bang puwedeng miryendahin sa ref?"
"Ma'am, ipapadala ko na lang po dyan sa office ninyo?
"Ok, please. Nagutom ako."
Laking gulat ko ng makita ang rocky road ice cream at chocolate cake sa dining table ng opisina .
"Mimi, sinong may birthday?"
"Mam may nagpadala po niyan dito sa office. Parang sa Ice cream haus at Goldicups galing yung cake"
"Ano?"
"Bakit po Mam?"
"Wala naman. Sige, kumain na rin kayo."
Ito ang madalas naming kainin ni Leuwan lalo na kung may mga pabor siyang hihingiin sa akin.
Weird talaga.
Isang tao lang ang alam kong ganito sa akin.
Ayoko na siyang maalala pero biglang bigla siyang nabubuhay na naman sa aking alaala.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...