Balik-opisina si VeneXity.
Pagpasok, lahat ay nakatingin sa kanya. Ngumiti at tumingin lang siya. Pero hindi pinansin ang facial expression ng kanyang staff . May ibang nakangisi, may ibang namangha at may iba na tila kinikilig.
"Anong nangyari sa mga yun?" Tanong ni VeneXity sa sarili.
Pagbukas ng opisina, nagulat siya sa pumpon ng mga bulaklak roon. Kung ilang araw siyang di pumasok sa opisina ay ganun din ang bilang ng mga bulaklak. Tinawag niya sa intercom si Mimi at Jean.
"Ano tong opisina ko? Flowershop? Tanggalin ninyo tong mga bulaklak sa harapan ko." sabay hatsing ni VeneXity.
"Ma'am, baka po naalala kayo nung nagpapadala nitong bulaklak", sabi ni Leslie.
"Tigilan nga ninyo ako. Baka mamaya ma-allergy pa ako sa mga yan"
"Ang sweet nga po nung nagpapadala ng bulaklak sayo" sabi ni Mimi.
"Ma'am hindi po kaya yung may-ari ng Black Mustang ang nagpapadala nang mga yan sa inyo" sabi naman ni Jean.
"Kunwari ka pa, Jean. Kung galing ito kay Mr.Black Mustang, alam mo 'yon "
"Si Ma'am naman. Minsan lang po mangyari 'yan sa buhay natin"
"Ang alin ba?"
"Ang umibig"
"May umibig ka pang nalalaman dyan. Buti na lang at walang pollen ang mga iyan kundi may allergic reaction na yan sa akin"
"Ganoon po ba?"
"Malamang kasi hindi ka nag-iingat. Sabihin mo ba naman dun sa estranghero na yun na dalaga ako e di magkakaroon talaga ng lakas ng loob na gawin yan"
"Ok lang naman po yun di ba , Ma'am tutal wala naman po kayong boyfriend. Kaya walang magagalit. Ang tagal ko nang nagtatrabaho dito sa inyo pero hindi ko po nakitang dumalaw dito ang boyfriend ninyo"
"So may pangingialam ka na ngayon pati sa lovelife ko. Tigilan nga ninyo akong dalawa. Sinong may sabi na wala akong lovelife, aber!"
"Uy si Ma'am, namumula. So ,you mean... luma-lovelife po kayo ngayon"
"Huh! Lumabas na nga kayo. Ah teka nga muna pala, Jean. Ano palang balita kay Black Mustang? Magkano daw ang damage na babayaran ko sa gasgas ng sasakyan niya?"
"Ma'am, makipagdate na lang daw po kayo sa kanya?" sabi ni Jean.
"Sinabi niya yon?"
"Hindi lang sinabi, nagpunta pa po siya dito kaya lang hindi po kasi kayo pumasok ng ilang araw"
"Ma'am, ampogi po ni Mr. Black Mustang."
Tumingin lang si VeneXity. Na-curious siya sa sinabi ng kanyang sekretarya. Lumabas na ito ng maibigay sa kanya ang schedule para sa araw na iyon. Kinakabahan tuloy siya sa Mr. Black Mustang na iyon.
"Pero, sa tingin mo, sinong mas pogi... si Mr. Black Mustang o si Mr. Mercedez Benz?"
"Sino pong Mr. Mercedez Benz?"
"Yung date ko noong nakaraang buwan..."
"Ay, Ma'am... makalaglag panty yung date ninyo na yun. Mas type ko siya. Ayyyy!" Sabay tili ni Jean.
"Mas bata kasi si Mr. Black Mustang, Ma'am... Matured na ang hinahanap ng mga babae ngayon kaysa kaedad nila"
"Paano ba magmahal ang isang matured na tao?"
"Kung hindi ninyo naitatanong, expert ito pagdating sa mga ganyan" Sabi ni Jean.
"Ma'am, secured ka na kapag matured ang nakuha mo. Hindi sila pabebe. Hindi sila seloso at palaging praktikal sa buhay. Si Mr. MB... mukhang marrying age na po, baka yayain na po kayo nung magpakasal."
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...