XITY'S POV
Handa na ang lahat...
Pero ako, handa na rin bang makita si Leuwan?
"Mimi, kindly coordinate all the details for the fashion Show in Dubhai with Jean. Ayokong pumalpak tayo dito, naiintindahan mo ba?
"Yes, Ma'am VeneXity. Promise, we'll make this a event a big break for Vanilla Collection"
"Big break ito para sa lahat" sabi pa niya.
Successful work. Para kanino? Becoming workaholic. Bakit ko ginagawa ito? Pinaparusahan ko bang mismo ang sarili ko para mapagod at pagkatapos ay ano? Para kanino ang lahat ng ito? Wala. Saan ko hinuhugot ang inspirasyon para gawin ang mga bagay na ito? Wala. Pinapagod ko lang ang sarili ko para makalimutan kita, Leuwan. Sana sa pagod kong katawan pati puso at isipan ay sandali kitang makalimutan. Sana pagpikit ng mga mata ko hindi ikaw ang maalala ng puso ko't isipan. Bakit ganoon? Pitong taon. Napakatagal ng pitong taon pero ni minsan ay hindi kita nakalimutan. Magkikita pa ba tayong muli? Saan? Kailan? Malapit na akong mapagod. Gusto ko nang sumuko. Nasaan ka na?
3rd PERSON'S POV
Pumikit si VeneXity. Tumulong muli ang luha niya. Kaya ayaw rin niya ng katahimikan kasi mas naaalala niya si Leuwan. Kaya gusto niyang maging busy kasi nawawaglit siya sa kanyang isipan. Niyakap niya ang black panda na pasalubong sa kanya ni Leuwan ng manggaling ito sa kompetisyon sa China. Kabi-breky lang nila noon pero hindi nakalimot ang binata.
"Tandaan mo, VeneXity. Malapit lang ang Dubai para sa taong nagmamahal. "sabi ni Nadine.
"Kaya mo na siyang sundan ngayon. Kung mapapabalik mo siya dito sa Pilipinas then you'll have the chance of winning him back." dugtong pa ni Cymphonic.
And you can be happy again" naaalala niyang sabi ni Andromeda.
It doesn't matter who made the first move. Kung talagang mahal mo siya, patunayan mo ngayon. Habang may pagkakataon pa, gawin mo na." sabi ni Cymphonic.
Pero kung talagang hanggang doon na lang, this time puwede ka nang maghanap ng iba" nginitian siya ni Andromeda.
"Nandyan naman ang ever loyal na si Sgt. Lorenzo. Sa loob ng pitong taon, ikaw pa rin ang gusto niya"- Cymph.
"Huh, ikaw talaga..."
"Ano bang lagay ng panliligaw ni Sgt. Lorenzo? May pag-asa ba?"
"Wala..."
"Huwag kang magsalita ng tapos. Baka akala mo, si Leuwan talaga ang para sa iyo. Yun pala kung sino yung matagal na naghihintay sa iyo ang talagang kapalaran mo"
"Hay, ano ka ba?"
"Walang masama sa sinasabi ko..."
"Wala eh bakit palagi siya buntut ng buntot sa iyo"
"Ayaw kasi niya akong tantanan"
"Siguro kapag nandyan na si Leuwan at kayo na ulit... Hindi na siya mangungulit"
Naalala niyang sabi ng kanyang mga kaibigan.
"Pagbalik mo, gusto kong malaman kung ano ang sagot mo. Pagbigyan mo lang ako. Patutunayan ko na karapat-dapat din ako."
"Jude..."
"Maghihintay ako sa sagot mo... Igagalang ko kung ano man ang maging pasya mo"
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
عاطفيةThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...