XITY'S POV
Hindi ko namalayang maliwanag na pala sa labas.
Hindi ko rin alam kung nakaidlip ba ako o nakatulog kahit sandaling oras lang.
Pumasok pa rin ako kahit namumugto ang aking mata.
Hindi nag-usisa si Jean.
Halos kauupo ko pa lang ay nakita kong kausap niya si Leuwan sa labas.
Tumayo ako upang i-lock ang pinto.
Kumatok ng marahan si Leuwan.
Nagmamakaawa siyang pagbuksan ko ng pinto para makapag-usap kami. Naririnig ko sa labas ang kanyang paliwanag. Wala akong pakialam kahit marinig pa ng aking staff at mag-isip sila ng kung ano. Basta ang gusto ko lang, ayoko muna siyang makita. Sumubsob ako sa aking mesa at umiyak. Hindi ko magawang magalit kay Leuwan pero gusto ko pa ring ipakita sa kanyang na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
Nag-ring ang aking phone. Si Leuwan. Tinanggal ko ang battery nito.
Buong maghapon akong nagkulong sa opisina. Gumamit ng susi si Jean upang buksan ito.
"Ma'am, gising po kayo. Baka gusto na po ninyong kumain"
"May padala si Sir Leuwan"
Muli akong sumubsob at umiyak ng umiyak.
"Ma'am, tama na po ang iyak. Naningkit na po ang mata ninyo"
"Puwede ka nang lumabas, Jean"
"VeneXity, mag-usap tayo" narinig ko ang boses niya sa likod ni Jean.
"Sir Leuwan, ayaw kumain ni Ma'am"
"Sige, ako na ang bahala dito"
"Jean, isabay muna siya sa paglabas"
"VeneXity, mag-usap tayo"
"Ayaw kitang makita. Lumabas ka ng aking opisina"
"Pakinggan mo muna ako"
Itinulak ko siya palabas at isinara ko ang pinto.
"Pakakasalan kita ngayon din kung 'yon ang gusto mo"
Nagulantang lahat ang mga staff ni VeneXity.
"What?" sabay-sabay nilang sabi without any word. Lahat sila ay napipi sa kanilang mga cubicle.
Sira- ulong, Leuwan to. Pinalalabas mo pa ngayon na may nangyari sa atin. Hay naku, angsarap mong tirisin. Bahala ka kahit ano pang sabihin mo dyan. Hindi kita lalabasin.
"Lumabas ka na dyan. Mag-usap tayo. Buksan mo itong pinto. Pananagutan ko ang nangyari sa ating dalawa"
Nagulantang ako sa sinabi niya. Lalong namilog ang mga mata ng aking staff. Hindi talaga ako nakapagpigil kaya binuksan ko ang pinto para sabihing itigil ang mga kasinungalingan niya. Ngunit ang mga katulad ni Leuwan ay puno ng diskarte. Sa kabila ng mga pinagsasabi nito, gumawa pa ng eksena. Sinunggaban ako at hinalikan sa harap ng aking staff. Nakita kong lahat ay kinilig sa kanilang nakita pero hindi nila alam kung paano dinurog ni Leuwan ang puso ko sa ginawa niya kagabi.
"I love you, VeneXity. Please forgive me"
"I hate you, Leuwan. I hate you"
Lumabas ako at tumungo ng elevator. Gusto ko nang umuwi.
"Pakiusap, Leuwan. Leave me alone"
Nasalat ni Leuwan na mainit ang aking kamay. Hinipo niya ang aking noo, mataas na ang lagnat ko. Masama na ang aking pakiramdam. Nahihilo ako at biglang umikot ang aking paningin. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...