Biglang nag-ring ang phone ni VeneXity.
"Ms Vanilla, can you come back here in the hospital immediately?"
"Why, something happened?"
"Kindly drop by here as soon as you can"
"Okay!" she hanged up the phone.
"Kami na pong bahala dito , Ma'am."
"Mimi, i-update mo ako ha"
"Don't worry Ma'am"
Halos paliparin ni VeneXity ang sasakyan makarating lang kaagad ng hospital.
Dali-dali siyang pumunta sa ICU pero wala na doon ang pasyente. Wala na doon si Leuwan.
Biglang nanlamig ang pakiramdam ni VeneXity na hindi niya mawari. Sasabog ang kanyang dibdib at hindi siya makahinga ng maayos. Nagulat ang mga nurse ng bigla itong pumalahaw ng iyak.
"Ma'am, relax lang po kayo. Bakit po ba kayo nandyan sa ICU? Yung pasyente po ninyo e inilipat na ng room"
Hindi niya maintindihan ang sinabi ng nurse.
"What do you mean, inilipat ng room?"
"Mam, magkamalay na po si Sir kanina"
"Ha!"
"Nasa room 143 po siya ngayon. Nandoon na po ang mga magulang ninyo kanina pa"
Kahit naka-high heel pa siya, carry pa rin. Napapalingon ang sino mang makakita sa kanyang pagtakbo, parang natatakot dahil baka madapa siya o matapilok sa suot niya.
Pagbukas ng pinto, nandoon nga ang kani-kanilang mga magulang. Hindi niya napigilang maiyak sa tuwa. Lumapit ito kay Leuwan at niyakap ang binata kahit sa harap pa ng kanyang mommy at daddy. Hindi na iyon ikinagulat ng lahat. Tutal ito rin naman ang gusto nila para sa kanilang mga anak. Magkatuluyan sila balang-araw. Hindi naman puwedeng pigilan pa sila dahil matured na silang pareho. Noon lang ngumiti si VeneXity, Matapos ang dalawang linggo pagbuhos ng luha at kalungkutan.
"Akala ko kung ano nang nagyari sa iyo. Nag-iiyak tuloy ako sa loob ng ICU. Akala ng mga nurse, naloloka na ako. Nakakahiya!"
Ngumiti si Leuwan ngunit di nagsasalita. Natingin ito kay Xity habang hawak ang kamay ng dalaga.
"So, tuluy na tuloy na ito. Puwede na tayong maging magbalae, Edwin, Venice"
"Teka, di pa nga natin alam kay Leuwan. Hayaan muna nating makapagpagaling ng mabuti ang aming binata"
"Iwan muna natin sila"
Tumahimik ang lugar... Naiwang nagtititigan lang sina Leuwan at VeneXity.
"VeneXity, am I dreaming?" mahinang sabi ni Leuwan.
"No, Leuwan. Be greatful that you are dreaming infront of me, so I can wake you up"
"Are you sure?"
"Just wake up"
XITY'S POV
Paano ako makakatakas sa sitwasyon na ito?
Kailangang kailangan ako ni Leuwan.
Jude....
Jude....

BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...