XITY'S POV
Hindi maganda ang araw ko.
Hindi ako sinundo ni Jude.
Late na akong pumasok kahit naniningkit ang mata ko sa pag-iyak.
Pagpasok ko ng opisina, nagka-black shades ako.
Umupo ako sa aking swivel chair at sumandal.
Wala akong ganang magtrabaho.
Gusto ko lang pumasok atleast nakikita ko ang ginagawa ng aking mga empleyado.
Binantayan ko ang aking cellphone.
Nagbabakasakali sa tawag ni Jude.
Umasa lang ako sa wala.
LORENZO MANSION
Nagulat si Jazzy ng makita ang bote ng alak sa kuwarto ng kuya. Ngayon lang niya nakitang lasing na lasing ang nakatatandang kapatid.
Lumabas kaagad ito at sinabi kay Lemuela.
Napabalikwas ang ina.
Pumasok sa kuwarto ng binata.
Tanghali na ngunit wala itong balak magreport sa kanyang duty.
"Sgt. Lorenzo this is unbecoming of an officer. You're late for work"
"Mom, I don't want to go to work right now..."
"Anong nangyari? Bumangon ka dyan..."
"Please, Mom..."
"Pag ako nagsimulang magbilang dito, malilintikan ka sa akin Jude. Tell me, nagbreak na kayo ni Xity... Nag-away kayo"
"Mommy, that's not possible...Wala na kami sa edad na parang teenager para mag-away-bati"
"And what is this bottle here?"
"I've decided to leave her..."
"Ikaw pa, Sgt. Lorenzo ang mang-iiwan kay Vanilla Oli... Wow! ampogi mo..."
"I don't want to give her burden, confusion and heartache"
"E sira ulo ka pala. Sino ba ang may sabing mag-girlfriend ka ng tulad niya?"
Umalis si Lemuela na umuusok ang ilong nito sa galit. Mabuti at wala si Justice, kung hindi baka lalong nalintikan ang binata.
Panay naman ang tingin ni Xity sa kanyang telepono. Kaninong tawag ang hinihintay niya? Kay Leuwan ba o kay Jude...
Bandang tanghali... wala siyang natanggap mula kay Jude. Hinayaan na lang niya iyon. Marahil ay naka-duty ang binata.
Nahihiya siyang itext ito dahil baka mapasugod na naman ang binata doon.
Pumasok si Jean at ibinigay ang note galing kay Leuwan...
Dahil hindi natuloy ang date nina Leuwan at VeneXity, humiling ulit ang binata na muli silang lumabas para kumain.
Susunduin daw siya ng 6sharp.
Eksaktong 6:00o clock ay nasa opisina na si Leuwan para sunduin si Xity.
Tahimik silang pumasok sa loob ng elevator. Magkalayo ng bahagya.
Kahit wala sa mood, sumama na lang siya.
Hindi maipaliwanag ni Leuwan ang kasiyahang nararamdaman niya ngayong kasama niya si VeneXity. Nagmamaneho lang siya pero nakangiti pa. Pasulyap-sulyap siya kay VeneXity. Nakita niya ang malaking pagbabago sa kanyang kababata at napa-wow talaga siya kay VeneXity.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...