3RD PERSON'S POV
Malaking balita ang nilikha ng aksidente ni Leuwan.
Hindi nila makakalimutan ang Black Mustang ng binata.
Para tuloy nagka-reunion sa ospital ng araw na iyon.
"Leuwan, nahanap mo na ba ang nakagasgas ng Black Mustang mo?" tanong ni Bullet.
Tumango si Leuwan. Inginuso si VeneXity.
"What? si VeneXity ang nakagasgas"
"Nabayaran na ba?"
"Wag ninyo akong paringgan. Sobra-sobra pa ang nakuha niyang kabayaran para sa gasgas ng Black Mustang niya. Something that can not be bought by money"
"Grabe naman, VeneXity. Bumigay ka kaagad kay Leuwan" tawanan lahat sa loob ng kuwarto.
"Sira ulo ka ba o madumi lang talaga ang isip mo? Anong akala mo sa akin?"
Natawanan ang mga kalalakihan.
Dumating ang halos kalahati ng klase ng IV-Carnation at dalawang estudyante ng IV-Chrysantemum, sina Axel at El Xandria.
"Uy Leuwan, kailan ba ang kasal?" sabi ni El Xandria. Siniko sa tagiliran si Axel ng mapansing nakatitig kay VeneXity ang binata.
"Malapit na. Actually, iyon na lang ang kulang " sagot ni Leuwan.
Sabay kantyaw ng ibang mga binata. Hindi naman sila naririnig sa labas dahil pribado at soundproof naman ang room ni Leuwan.
"Huwag kang pakasiguro dahil madaling magbago ang isip ko" pagbabanta ni Xity.
"O, ano ka ngayon Leuwan?" sabay tawa ng lahat.
"Swerte nitong si Leuwan, imagine mong sundan ka ni VeneXity sa Dubai. Kung ako yon, maghahanap na ako ng iba "
"Cymph, itikom mo nga yang bibig mo" kinurot ang dalaga sa tagiliran.
"Nagpropose na ba si Leuwan?" tanong ni Andromeda.
Hindi umimik si VeneXity. Biglang tumahimk ang paligid.
"May dumaang anghel...." Sabi ni Andromeda.
"E mukhang hindi pa nagpo-propose . Ang hina naman..."
"Ayaw pa niyang magpakasal. Hindi pa ready si Xity" Sabi ni Leuwan.
"Anong hinihintay mo, Pasko?" kantiyaw ng mga boys kay Xity.
Sumimangot ako.
Nakangiti lang si Leuwan. Hindi ito gaanong kumikilos dahil makakasama ito sa kanyang tadyang. Bagamat hindi kailangan ng surgery, kusa naman itong naghihilom
"Alam ninyo boys, hindi ko alam kong nandito kayo para dalawin si Leuwan o para asarin ako"
"Ngayon ka lang naman namin naaasar di ba, Harold. Kasi lagi kang pinagtatanggol ni Leuwan" – Rolly.
"Curious lang ako. Naging kayo ba ni Leuwan nung high school tayo, VeneXity? " Tanong ni Harold.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?"
"E bakit di siya umaamin?"
"Hindi ko rin alam"tugon ni VeneXity.
"Alam ninyo 'yang si Leuwan, maraming dinarag sa klase para walang makapanligaw kay veneXity. Si Paul nga lang yata ang hindi natakot sa kanya e" pambubuking ni Desmond.
"Hoy, tumigil na kayo dyan ha. Baka mamaya kung anu-ano na yang pinagsasabi ninyo kay Xity. maniwala pa yan sa inyo at i-break pa ako" sabi ni Leuwan. Napuno ng tawanan sa loob ng kuwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/22712412-288-k178243.jpg)
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...