LEUWAN'S POV
Para akong binabangungot ngayon.
Lahat ng bagay na inaasahan ko ay malapit na sanang mabigyan ng katuparan.
Lahat ay nawala sa isang iglap.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.
Pero lahat ng pinaghirapan ko...
Pati si VeneXity ay nawala.
"Leuwan, tama na yan. "
"Mommy, I didn't know what went wrong. I did everything to win her back" Humagulgol ng iyak si Leuwan.
"Letting go is not always easy" Sabi ni Hilda.
"She's the one only girl I want to marry"
"Ssssshhhhh! Just cry...."
"Hindi ko alam kong paano haharapin ang bukas na hindi kasama si Xity"
"Aaaaahhhhh!"
KRIS' POV
Ano pang magagawa namin?
Nagawa na ni Leuwan ang lahat para muli siyang tanggapin ni VeneXity.
Sa kabila ng lahat, hindi na nabago ang kanyang damdamin para kay Leuwan.
Nakita namin na pareho silang nasaktan at hindi na nakabawi pa.
Siguro oras na para magsimula ng panibagong buhay sa piling ng iba.
Hindi kami sigurado kung magiging maayos ang buhay ni Leuwan.
Hindi magiging madali sa kanya ang mag-move on.
Nakita namin kung gaano kasakit para sa kanya ang nangyari...
Hindi nagpapasok si Leuwan.
Balitang-balita sa opisina ang nalalapit na kasal nina Jude at VeneXity.
Inaasikaso ng kanyang OIC ang lahat ng mga transaksyon sa lahat ng proyekto ng WANSHIN.
Si Kris ang pumupunta dito upang tingnan kung hindi napapabayaan ang mga proyektong tinatapos ng kanilang construction workers.
Ngunit may mga taong mapagsamantala talaga at iyon ang hindi napaghandaan ni Leuwan.
Dahil dito ay nawalang ng tiwala ang investors at siya pa ang nakaambang malugi pag nagkataon.
"Kris, anong balita?"
"Kailangang gumawa si Leuwan ng paraan. Malaking pera ang mawawala sa construction firm natin kapag nagpatuloy ang ganito."
Ngunit hindi nila mapilit si Leuwan. nagkulong ito sa kuwarto at ayaw tumayo at pumasok sa trabaho.
Samantala, abalang abala ang buong OLI GROUP dahil espesyal at pinakamahalagang okasyon iyon sa kanilang lady boss.
"Hindi mo aakalaing ikakasal ng ganun kabilis si Ma'am kay Sir Jude"
"Alam mo, sa tingin ko kahit pa magkababata pa sila ni Sir Leuwan, hindi iyon garantiya na magiging sila balang araw"
"Kailan lang naging boyfriend ni Ma'am si Sir Jude pero tingnan mo naman, kasal kaagad ang katapat"
"Hindi ko akalain na ganun ka –complicated ang kanilang love story..."
"Mas matindi naman yung kay Sir Jude... First and Last love talaga niya si Ma'am..."
"May mga lalaki pa bang katulad niya sa panahong ito?"
"I doubt... sa sampu, baka isa na lang..."
Nagkatawanan ang mga empleyado.
December 25
LORENZO – OLIVAREZ NUPTIAL
Sa isang magandang simbahang tago sa karamihan ang napiling pagdausan ng kasal nina Jude at VeneXity. Pinamumunuan ito ng mga Pink Sisters sa isang kumbento sa Tagaytay. Kumbakit napili ni Jude ay dahil ang mga pink sisters doon ang nagdasal para sa kahilingan ni Jude. Wala naman siyang ibang prayer intention kundi si VeneXity. Nagbulung-bulungan tuloy ang mga madre ng makita ang dalaga.
"Ah, siya pala ang babaeng palagi nating ipinagdarasal"
"Nagkatuluyan din sila..."
"Mukhang napakasaya nilang dalawa"
"Bagay na bagay sa isa't isa..."
"Nakakatuwa silang pagmasdan"
Nagkaroon ito ng media coverage dahil kilala si Jude bilang emisaryo ng bansa ng ipadala sila sa Nepal. Naging bayani ang tingin sa kanila dahil sa kanilang sakripisyong ginawa para tulungan at panatilihin ang peace and order sa bansang iyon.
Hindi mawawala ang mga K-POP Stars na kilala ng kanilang mga magulang. Hindi kinalimutang imbitahin nina Lemuela at Justice ang SISTARS at ang mga EXO na dati nilang naging police.
Kaya lang binalot ng mga Pink Sister ang katawan ng mga Sistars ng mahahabang balabal dahil sa uri ng kanilang kasuotan na hindi angkop sa pagdalo nila sa simbahang iyon.
Nagkakatinginan na lang ang mga SISTARS at EXO.
Napapatingin at distracted naman ang mga madre dahil nakita nila ang mga poging Koreano ng grupong EXO. May ibang napapangiti at panakaw na tumitingin sa gawing kaliwa.
In other words... natuloy ang kasal nina Xity at Jude...
Walang nakahadlang sa kasalang Lorenzo at Olivarez.
Palibhasa ay may mataas na katungkulan sina Lemuela at Justice, full security ang lugar kaya imposibleng may makatutol sa kasal na iyon.
Nakahanda ang mga sniper kung sakaling may banta ng panganib kaya kung iisip ng masama si Leuwan, hindi siya iiwang buhay ng mga balang nakahandang sumalubong sa kanya.
Tuluyang nawalan ng pag-asa si Leuwan.
Napabayaan niya ang kanyang trabaho.
Nang matauhan ito ay hinanap niya si Hana at isinama sa Pilipinas ang kanyang anak na lalaki, si
Gavin. Sunud-sunod ang kanilang naging anak kaya tuwang-tuwa sina Kris at Hilda.
Ngunit hindi naging madali ang pagsasama nina Leuwan at Hana... madalas silang mag-away-bati..
Sunud-sunod din ang naging anak ni Xity. Kaya kahit sina Venice at Edwin, maging sina Lemuela at Justice ay abala sa kanilang mga apo. Hindi sila halos magkanda-ugaga ni Edwin kapag nasa bahay ang mga bata.
Sina Lemuela at Justice, palibhasa ay may yaya sa bawat bata ay hindi ganoon ka-stress.
Lalong namang naging sikat ang Vanilla Collection ng isuot ito ng Sistar at EXO...
Binabalak nilang magtayo ng branch sa South Korea.
![](https://img.wattpad.com/cover/22712412-288-k178243.jpg)
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...