OLD FRIEND'S ADVICE

96 4 2
                                    

Hindi inaasahan ni VeneXity ang pagdalaw ng kanyang mga kaibigan sa kanyang condo.

Nung isang araw lang silang nagkita-kita sa hospital ng dumalaw ang mga ito kay Leuwan.

"Kumusta na, VeneXity?" si Cymph.

"Dito tayo umupo"

"Angganda ng condo mo" si Nadine.

"Todo kayod ako e para lang mabili ito"

"So, you are independent. Ang dating VeneXity na hindi mo puwedeng iwanan dahil naliligaw"-Cymph.

"At ngayon, solong tumitira sa kanyang sariling condo" sabi ni Andromeda.

"Kumusta na si Leuwan?" Nadine.

"So far, he has been recovering so fast now"

"That's good"

"May balak na ba kayo?"

"Anong balak?" tanong ni VeneXity kay Cymph.

"Magpakasal? Ang lagay hindi pa ninyo napag-uusapan ang tungkol dyan? "

"Meroon na siyang balak pero hindi pa rin ako decided?"

"Ano pang hinihintay mo?" sabat ni Andromeda.

"Di ko masabi. Noong naaksidente siya, sising sisi nga ako dahil hindi ko napagbigyan ang mga hiling niya. Pero ngayong okay na ulit siya, nagbago na naman ang isip ko"

"Hay ano bang pag-iisip meroon ka, VeneXity?"

"Buti hindi napipikon sa iyo si Leuwan"

"Madalas nga siyang mapikon sa akin dahil ayokong topic ang kasal"

"May iba bang nanliligaw sa iyo bukod kay Leuwan"

"May communication ba kayo ni Jude?" Prangkang tanong ni Cymph. Nakahalukipkip ito na parang nag-iimbestiga.

Biglang natahimik ang lahat.

"Hindi ko rin masabi kung ano ang dahilan"

"Imposible naman kung walang dahilan"

"Hayaan mo na lang, VeneXity. One day, you'll just feel yourself ready for everything"

"Talaga, Nadine"

Tumango ang kaibigan.

"Ang totoo nyan, nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Leuwan. Hindi ko na siya mahal"

Nagulat ang tatlo.

"Mayroon na bang iba?"

"Oo, matagal na..."

"Si Sgt. Lorenzo, right?"- Andromeda.

Tumango ang dalaga.

"I told you... " Sabi ni Andromeda.

"Totoo nga, Sister... Napakamalihim mo talaga!" Sabi ni Cymph.

"Xity, that is understandable that you get confused sometimes. But get real. Leuwan is here. I think that's enough"

"Cymph, may anak na si Leuwan kay Hana."

"What?" Sabay-sabay na sabi ng tatlo.

"Alam ba ni Leuwan?"

"Mukhang inililihim ni Hana ang lahat"

"Teka, Xity. Be honest with us, naging kayo ba ni Jude when you were in college?"

"Hindi naman yata ganun yun"-Xity.

"Umamin ka... Nakita ka namin with Sgt. Lorenzo ng manuod kayo ng sine"

Napamulagat ang dalaga. May nakakita pala sa kanilang dalawa.

"Oo?"

"Bakit hindi ka sigurado?"

"Ewan, nalilito ako. "

"E, ngayon... Kayo pa ba? Siya ang nag-asikaso sayo nung maaksidente ka sa Baguio. Totoo ba na sinundan mo siya doon?"

"Oo..."

"Mahal mo siya?"

"Oo..."

"Xity, bakit hindi ka nagsasalita?"

"Because he ask me to go back to Leuwan and I tried. Until now, I kept trying so hard.... very very hard..."

"Friend naman, bakit mo pinaparusahan ang sarili mo?"

"Iniwan ako ni Jude para pagbigyan si Leuwan. Alam niya na napipilitan na lang ako pero ayaw niya akong pakinggan"

"Xity naman e. Nalulungkot kami sa ginagawa mo"

"Friend, don't be unfair with yourself. You can be happy if you choose to"

"Pero paano kung mailap sa akin ang kaligayahan?"

"Kapag nasa kamay muna, huwag mo nang pakawalan"

"Minsan ko na yang ginawa pero..."

"Pero ano? iniwan din ako ni Jude"

Dumating si Ate Minda upang ipaghanda kami ng makakain.

"You really have the best life now, VeneXity"

"Lovelife na lang ang hindi pa"

"Don't worry, Xity. Things will be alright" Tinapik siya ni Nadine sa balita.

"Fighting!' Sabi naman ni Cymph.

"Go, Girl!" –si Andromeda.

Natawa si Xity sa kabila ng kalungkutang nararamdaman nito .

Niyakap siya ng kanyang mga kaibigan.

Binago niya ang mood ng usapan...

"Salamat sa Diyos dahil kahit mahina ako sa Math, may narating pa rin ako"

"Loka-loka, oo naman. Math lang 'yun no"

"Natuwa nga si Mr. Gonzales ng padalhan ko siya ng damit na isinuot niya noong reunion"

"Talaga! By Vanilla Oli ba ang suot ni Sir. Tingnan mo nga naman kahit ang ganoong kaistriktong guro ay nakakapagsuot ng designer clothes ni Vanilla Oli na akala mo artista lang siya. Walang bayad?"

"Syiempre, walang bayad."

Buong magdamag gising ang apat. Walang katapusan ang kanilang kuwentuhan.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon