RECOVERING GRACIOUSLY

132 4 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Dinalaw ni Venice ang opisina ni VeneXity at mahigpit na binilinan si Mimi na tumayong officer-in-charge habang nagpapagaling ang kanilang lady boss.


"Mimi, maaasahan ko ba ang buong suporta mula sa iyo?"

"Opo, Mrs. Olivarez. Huwag po kayong mag-alala. Kumusta na po ang lagay ni Ma'am Xity"

"Kasalukuyan siyang nagpapagaling. Sa resthouse nina Jude muna kami naglalagi"

"Totoo po ba na sinundan niya doon si Jude?"

Tumango si Venice.

"Mimi, nagpupunta ba dito si Jude? Madalas ba siya dito?"

"Opo, Ma'am pero hindi po siya ganun kadalas na araw-araw kasi may trabaho si Sir. "

"Ano sa tingin mo?"

"Sa tingin ko po , nahulog na ang loob ni Ma'am kay Sir Jude"

"Sa tingin mo?"

"Opo... noong wala pa po si Sir Leuwan at dinalaw siya dito ni Sir Jude, nakangiting pumapasok sa trabaho si Ma'am... Hindi po siya dating ganun. Palagi po siyang tumatawa kapag may kausap si Sir Jude sa telepono. Maaga pa nga lang po, magkausap na sila."

"Hay, ang anak ko talaga..."

"Kay Sir Leuwan, lagi po siyang irritable..."

"Bakit naman?"

"Naku e disaster po palagi ang labas nila ni Maa'am... Minsan po, na-encounter nila yung ex ni Sir Leuwan, binuhusan nung babae si Ma'am ng juice"

"Kaya pala hindi na rin nagkukuwento sa akin si VeneXity tungkol kay Leuwan..."

Ngumiti si Venice at nagpasalamat kay Mimi.

Samantala, sa resthouse ng Lorenzo sa Baguio City...

May private nurse si VeneXity.

"Ma'am, oras na po ng pag-inom ng gamot ninyo"

Kapag sinumpong ang dalaga, hindi niya ito iniinom at si Jude ang napipilitang magpainom ng gamot sa kanya.

"Sa susunod, kapag sinabi ng nurse, uminom ka kaagad ha. Para gumaling ka na. "

Nakatingin lang si Xity at saka ngingiti.

Minsan kapag walang duty si Jude ay tinatabihan niya si Xity sa kanyang panunood ng tv.

Mahilig kasing manuod ang dalaga ng mga romantic movies.

Mas type niya ang mga palabas na ingles at medyo luma na.

Pansamatala silang tumutuloy sa resthouse na iyon.

Doon din tumutuloy si Jude kaya madalas silang magkita. Mas namomonitor ni Jude ang kalagayan ni VeneXity.

Inako ni Jude ang mga gastusin pero nagbibigay din si Edwin para sa kanilang anak.

"Nakakahiya naman na halos inako mo na lahat ang responsibilad sa pagpapagamot ni Xity"

"Wala po yun..."

"Ganyan mo ba talaga kamahal ang anak ko?"

"Whew! Kung hindi po niya ako sinundan, hindi siya madidisgrasya ng ganito"

Sabay-sabay din silang kumain ng hapunan.

May mga pagkakataong sasabayan muna ni Jude si Xity na kumain ng almusal bago ito pumasok sa trabaho.

Palagi din itong nakamonitor sa telepono at palaging tinatawagan si Xity o di kaya naman ay si Venice.

Halos lubusan ng nakarecover ang katawan ni VeneXity sa aksidente.

Huling theraphy session ni VeneXity para masiguradong walang traumatic experience siyang kakaharapin pagbalik nito sa Maynila.

Nang gabing iyon, nagyaya si Jude na ipasyal si VeneXity sa Burnham Park.

Naglakad lang sila patungong parke.

"VeneXity..."

"Yes, Jude..."

"Gusto sana kitang kausapin..."

"Tungkol saan?"

"Tungkol kay .....Leuwan"

"Okay, ano ang tungkol kay Leuwan?" Napabuntunghininga si VeneXity.

"Nakasimangot ka na naman... Cheer up!" Ngunit niyakap na siya ni Xity. Nakaramdam ang dalaga kung ano ang posible nilang pag-usapan.

"Umaasa pa rin si Leuwan na pagbibigyan mo siyang patunayan pa rin sa'yo na mahal ka niya"

"Ipinagtatabuyan mo nanaman ako sa kanya?" nakayakap ng mahigpit si Xity sa binata.

"Makinig ka sa akin... " Kinalas ni Jude ang pagkakayakap ni Xity at pinaharap sa kanya ang dalaga.

"Ayoko... Ayokong pakinggan ang mga sasabihin mo..."

"Nandito lang ako... Isang taon, maghihintay ako. Harapin mo si Leuwan. Subukan mong ibalik ang dati. Magtiwala ka... Mahal ka ni Leuwan"

Humagulgol si VeneXity.

"Hindi mo ba ako mahal?"

Hindi umimik si Jude.

"Hindi mo na ako mahal?"

"Mahal na mahal kita... Ano ba? Huwag kang umiyak" Pinahid ni Jude ang luha ni Xity. Inalo niya si Xity na parang bata kung umiyak.

"Ayoko..."

"Hay naku, Xity. Makinig ka. Hindi matatapos ang problema mo kay Leuwan kung hindi mo siya haharapin."

"Tapos na kami..."

"Face your fear with Leuwan... "

Hindi nila namalayan na nasa St. Peter's Cathedral na sila. Pumunta sila sa likuran upang magtirik ng kandila. Walang tigil ang tulo ng luha ni Xity habang sinisindihan ang kandila.

"Diyos ko, bigyan po ninyo ako ng kaliwanag na harapin ang mga pagsubok na ito. Gusto ko na pong magsimula ng panibagong buhay kay Jude. Patatagin mo po ang aking kalooban para harapin ang mga darating pang pagsubok. Kung kailangan kong lumayo kay Jude para patunayang mahal ko siya, gagawin ko po. Ituro mo po sa akin kung alin ang tama sa mga gagawin at desisyon ko."

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Jude.

At inilagay sa kanyang dibdib habang taimtim na inusal ang kanyang dasal.

Hindi naitago ni Jude ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Mula sa liwanag na nanggagaling sa mga kandilang iyon, kitang kita niya kung paano ipinikit ni VeneXity ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang higpit ng hawak na iyon. Ayaw niyang matapos ang gabi, at dumating ang umaga para harapin ang kinabukasan na wala si Jude sa tabi niya.

Lalong humagulgol si Xity sa dibdib ni Jude. Walang ginawa si Jude kundi hagurin ang likod ng dalaga upang kumalma ito.

Malalim ang gabi...

Madilim sa buong kabahayan...

Tahimik na pumasok ang isang anino sa loob ng kuwartong iyon.

Walang kaluskos... Walang ni isa mang makakaalam...

Lumabas siya doon na walang halong pagsisisi...

Pagdating nang kinabukasan, wala ng luha pang lumabas sa kanilang pamamaalam.

Tahimik lang na nakaupo si VeneXity sa tabi ng ina.

"Handa ka na ba ulit magtrabaho?"

"Opo... na-miss ko na rin sina Mimi at Jean"

"Matutuwa sila sa pagbabalik mo"

Mahaba ang biyahe. Natulog lang si VeneXity.

Kitang kita ng ina na malungkot ang anak.

Hinayaan na lang muna ang katahimikan ni VeneXity.

Alam niyang hindi ganun kadali ang mapalayo kay Jude.

��������xrG�Y�

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon