CAMP OUT 2016
Hinawakan ni Jarred ang kamay ni Lewisa. Kay Lewisa, wala namang malisya kung hawakan iyon ng binata.
"Basta magkatabi tayo mamaya..."
"Paulit-ulit ka naman e. Oo na nga sabi. Bakit parang nangingin ka?"
"Hindi a..."
Napuno ng kantyawan sa loob.
Iyon ang send off camp out ng Fourth Year na tradisyon ng ginagawa ng Trinity High bago ang kanilang nalalapit na graduation.
"Jarred, away from mango trees ha... baka ka manuno doon" Naaalala niyang sabi ng kanyang ina.
"Tsss, as if didn't know... What's wrong with those mango tree anyway?"
"Mama, dati na po akong nakapunta doon sa campsite nina Lolo. Isinama na rin po ako doon ni Papa, remember"
"Basta, ipinapaalala ko lang sa iyo"
Napapailing na lang ang binata.
Napakagat ito sa kanyang labi.
Naisip niya si Lewisa...
LEWISA'S POV
After three years, bumalik kami dito sa Pilipinas.
Umuwi kami sa dati naming bahay.
Nasa Amerika noon si Daddy.
Hindi ko binanggit kay Jarred na babalik na kami sa Manila.
Gusto ko siyang i-surprise.
Na-miss ko ang aking kababata... ang aking secret love.
For the longest time, hindi ko alam kung ano ang damdamin ko para sa kanya.
Pag nagkita kami ngayon, malalaman ko kung ano ang totoo...
Hindi ko kasi alam kung humahanga lang ako sa kanya o mahal ko na siya.
TRINITY HIGH....
IV- CARNATION
CLASSROOM 301
Wala pa si Jarred ng mga oras na iyon.
"Class, we have a transferee from Trinity High ,Tokyo. Will you please introduce yourself? – si Mr. Gonzales, ang dati ko nang Math teacher.
Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin at ang kanilang mga tenga ay handang makinig sa sasabihin ko.
Hindi na nila ako natatandaan.
"We have been classmates when I was in First year, section Rizal"
Nagtinginan silang lahat.
"Ha!"
"Talaga! Teka... Sino nga ba siya?"
"Kon nichiwa! Watashi wa Lewisa Kimuradesu"
"Ah si Lewisa Kimura daw siya..." Sabi ni Gertrude.
"I am back classmates. Anata ni aitakatta. Na-miss ko kayong lahat"
Hindi na napigilan ni Lewisa ang tuwa. Hindi na niya pormal na ipinakilala ang kanyang sarili. Kumaway-kaway ito pero abalang hinanap ang kanina pa niyang gustong makita... si Jarred.
Nagulat si Jarred ng madatnan niyang nagsisigawan ang buong klase sa gitna ng pagtuturo ni Mr. Gonzales.
May nakatayong babae. Mahaba at tuwid na tuwid ang buhok nito. Halos magkasingtangkad sila sa kanyang hinuha.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...