LEUWAN'S TURN

119 4 0
                                    

Mahirap... pero unti-unti nakakayanan naman niya kahit malayo sa mga anak.

Pinilit ni Leuwan na maging normal ang lahat kahit alam niyang hindi ito magiging tulad ng dati.

"Sir Leuwan, puro po kayo trabaho. Baka gusto po ninyong maghapi-hapi muna"

"Hmm, saka na muna. May mga ire-review pa ako dito."

"Paano,Sir, una na muna po kami?"

"Sige, sa susunod na lang ha"

"No problem, Sir"

Pagdating sa bahay, hindi niya nadatnan ang kanyang mga magulang.

Ibinilin na lamang sa mga kasambahay na medyo gagabihin ng uwi ng mga ito.

"Saan daw pupunta sina Mommy?"

"Sir, sa Tita daw po ni Ma'am Hana"

"Ah ganoon ba?"

"Baka puwede na po ninyo akong ipaghain. Nagugutom na rin po kasi ako"

Samantala sa bahay ng mga Kimura.

"Kumusta, Hilda, Kris?"

"Mabuti naman, Bettina"

"Maupo kayo"

"Mukhang seryoso yata itong pag-uusapan natin"

"Oo, Hilda, Kris. Sana ay huwag na muna din ninyo itong ipaalam kay Leuwan tulad na rin ng mahigpit na bilin ni Hana"

"Bakit, Hana? Anong nangyari? May nangyari ba sa mga apo namin"

"Hayaan na lang ninyong si Hana ang magsabi pagdating niya"

Ilang saglit pa ay dumating na si Hana. Napuna ng mag-asawang Shin ang pagbabago sa kanilang manugang.

Niyakap niya ang mag-asawa.

"Mukhang nananaba ka, Iha" biglang napatingin si Hana sa kanyang tita.

"Maupo muna tayo"

"Mommy, Daddy?"

"Huwag kang mag-alala, anak. Magulag mo na rin kami kahit hindi kayo kasal ni Leuwan."

"Kinakabahan naman ako sa iyo... "

"Hilda, mukhang madadagdagan ulit kayo ng apo"

"Mommy, Daddy, buntis po ako"

Nagulat ang mga nakatatanda ngunit nandoon ang tuwa.

"Bettina, humihingi kami ng paumanhin sa nangyaring ito kay Hana. Alam naming maraming pagkukulang si Leuwan at hindi ka namin masisisi kung nakipaghiwalay ka sa kanya. Kapag bumalik si Leuwan, sana ay bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon, Hana"

"Handa ka naman daw niyang pakasalan, Iha"

"O bakit kailangan mong itago ito kay Leuwan?"

"Dad, puwede po bang huwag na po muna ninyong ipaalam kay Leuwan? Hindi ko po alam na aabot sa ganito ang mangyayari. Nakipaghiwalay ako sa kanya at isinama ang mga anak namin sa Japan. Hindi ko po ito inaasahan pero itutuloy ko pa rin po ang ipinagbubuntis ko. Doon po muna kami kina Mama at Papa hanggang sa makapanganak ako. Kung puwede po, huwag muna po ninyong banggitin kay Leuwan"

"E paano namin makikita ang aming apo kung nakapanganak ka na"

"Puwede po ninyo kaming dalawin?"

"Iha, sigurado ka ba sa desisyon mo"

"Aayusin ko po muna ang problema namin ni Leuwan saka po kami magdedesisyon kung balak pa rin niya akong pakasalan o hindi"

"Hana talaga o. Pareho kayong malulungkot ni Leuwan. Baka makasama yan sa pagbubuntis mo", niyakap ni Hilda at Kris si Hana.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon