Maagang umalis ng bahay si Xity.
"Hindi mo ba hihintayin si Leuwan"
"Mommy, I have no plans of entertaining him right now"
"E mukhang lalo kang nawala sa sarili ng makita mo si Leuwan"
"Mommy, it's too early for intrigues"
VANILLA'S OFFICE
Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Xity.
"Di ba sabi ko sa yo susunduin kita? Tinakasan mo na naman ako"
"Ma'am, sorry po kasi nagpumilit na pumasok si Mr. Black Mustang dito. Sabi ko po e wala naman po siyang appointment sa inyo"
"Hayaan mo na, Jean. Sige, pumunta ka na sa desk mo. Teka, dalhan mo muna kami rito ng kape."
Pagtalilis ng sekretarya.
"So, what's our business Mr. Shin? And excuse me, marunong na akong pumasok sa sarili kong opisina ng mag-isa"pormal na sabi ng dalaga.
"Ok, then let's just talk about my business. I came to collect your payment for the car damage" umupo ang binata at pormal-pormalan lang ang dalawa.
Inilabas ni Xity ang cheque book niya.
"Ok,tell me how much do you need?"
"It is not how much but who I need"
"Who?"
"Hindi ba nabanggit ng sekretarya mo na hindi pera ang gusto kong kabayaran sa gasgas ng Black Mustang ko"
"Sobra nang kabayaran para sa Black Mustang mo ang ginawa mong pagnanakaw sa akin ng halik kagabi. Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi mo kayang hingiin pero nagagawa mong nakawin"
"Pero hindi halik ang gusto kong kabayaran nun?"
"Masyado kang mahal sumingil. Saang talyer ka ba nagpunta?"
"Date with me and we'll call it quits. I don't like NO for an answer"
"Adelantado kang masyado Mr. Shin. Para wala akong choice sa sinasabi mo kundi Yes lang ang puwede kong isagot"
"You still have the choice to say yes"
"Okay, go ahead. If you wish for a date then your wish is my command. You sound like you haven't dated for a long time" pero nang-aasar lang itong sinabi ni Xity.
"Is that what you think?"
"What time will you fetch me?"
"6 sharp"
"Ok, see you then"
Hindi nakapagtrabaho ng maayos si Leuwan sa kanyang opisina. Para siyang pusang hindi mapaanak. Hindi niya alam kong excited ba siya. Buong maghapon siyang nag-isip ng lugar kung saan sila puwedeng kumain o kung okay na ba ang suot niya o kung kailangan pa niyang umuwi at magbihis. Na-praning lang siya at lalong nainip sa paghihintay ng oras ng pagsundo niya kay Xity.
Samantala sa kabilang building, hindi nagpapahalata si VeneXity na kinakabahan siya sa pagsundo sa kanya ni Leuwan. Tingin siya ng tingin sa kanyang relo o di kaya naman ay sinisipat-sipat ang hitsura nito sa salamin. Laging nagri-retouch ng make up at inaayos ang buhok. Itinirintas na niya ang buhok kanina para mamaya ay magmukhang kulot ang buhok kapag inilugay niya ito.
Hindi pa niya nabanggit kay Jude ang tungkol sa lakad niya.
"Ma'am, nandito na po si Sir."
Lumabas na nang opisina si Xity.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...