IN THE MIDST OF DEATH

169 6 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Nagmadali siyang tumungo sa St. Louis Hospital.

Hangos siyang nagtungo sa front desk officer para tanungin kung saan nandoon ang pasyente.

Pinagmamasdan ni Jude si Xity sa labas ng ICU. 

Halos madurog ang puso niya ng makita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Xity.

May benda ito sa ulo.

May neck brace din ito.

May tubo ang bibig.

Halos hindi kumikilos ang kanyang katawan.

Umiiyak ito habang sinisisi ang sarili kumbakit nangyari iyon sa dalaga.


"Xity... Xity... I am sorry"

Matagal na nagbantay si Jude sa ICU.

"Diyos ko... huwag mo pong pahintulutan... Diyos ko, huwag naman.... Iligtas mo po si VeneXity"

Hindi niya iniwan si Xity hanggang sa dumating sina Venice at Edwin, kasama sina Hilda at Kris pati si Leuwan.

Nang magkita sina Leuwan at Jude, kinuwelyuhan kaagad ng binata si Jude. Hindi gumanti si Jude.

"Tingnan mo kung anong ginawa mo sa kanya..."

Nagkagulong bigla sa ospital. Umawat sina Justice at Kris. Sa kabilang banda, hindi nagustuhan ni Lemuela ang sinabing iyon ni Leuwan para sisihin ang kanyang anak.

"Teka, sino ka ba?"

"Mommy, huwag na po ninyo siyang patulan"

"Iho, hindi ko nagustuhan ang ibinibintang mo sa anak ko. Sino ka ba sa akala mo? Aksidente ang nangyari. Hindi niya ginusto ang lahat. Mahal na mahal ni Jude si Xity. Pitong taon niyang hinintay si Xity tapos gugustuhin ba niya itong maaksidente... Magsalita ka!" Sigaw ni Lemuela.

"Mommy, tama na." Awat ni Jude at Just Ice.

Matalim ang titig ni Lemuela sa binata.

"Sa tingin ko, hindi magandang dito tayo nagdidiskusyon sa tabi ng ICU" Sabi ni Edwin.

"Mr. Olivarez, we will take responsible of the expenses... Don't worry about that"

"Sa tingin ko e, hindi naman maganda iyon."

"We'll help you with the expenses" Sabi naman ni Kris.

Nakasilip ang tatlong nanay sa salamin habang walang malay na nakikipaglaban para sa kanyang buhay si VeneXity.

"Hindi ko alam na sinundan niya si Jude dito. Kagabi lang siya pumunta sa bahay. Ilang araw na daw na hindi siya kinukontak ni Jude. Kinukulit niya si Jazzy pero dahil nakapangako ang dalaga ko sa kanyang kuya, hindi niya napilit ang anak ko. Hindi ko inaasahan ito. " Pagkukuwento ni Lemuela sa dalawang ina.

"Mrs. Lorenzo, wala namang may gustong maaksidente si Xity. Pasensiya ka na sa inasal ng anak ko. Magkababata kasi sila. Nabigla lang ang anak ko" – Hilda.

"Alam ko kung anong pakiramdam niya. Pasensiya na rin sa nasabi ko"- Lemuela.

"Hilda, hindi ko nasabi sa iyo na sinagot na ni Xity si Jude. Magkasama silang bumalik dito sa Manila galing ng Dubhai dahil sinundan daw siya doon ni Jude"- Venice.

Ngumiti si Hilda.

Hanggang ngayon ay umaasa siyang si Leuwan ang makakatuluyan ni Xity . Ngunit tulad ng nangyari ngayon, masasabi ba niyang hindi pa mahal ni Xity si Jude?

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon