XITY'S POV
Nang linggo ring iyon ay maaga akong nagpaalam upang bumalik sa aking condo unit sa Hallyu Towers. Marami talaga akong aasikasuhing deadline ngayon. Ayaw ko ring matambakan ng gagawin dahil lalong hindi ako makakapagtrabaho ng maayos. Kahit gustuhin nina Mommy at Daddy na magtagal pa ako, hindi nila ako mapipigilan sa pagiging workaholic.
Kaaalis ko pa lamang ng may nagdingdong sa gate. Binuksan ito ni Minda.
"Sino po sila?"
"Ate Minda"
"Ay, si Sir Leuwan. Mam, Sir Edwin, si Sir Luewan po, dumating" patakbong ibinalita ng kasambahay ang pagdating ng di inaasahang bisita.
Muntik na kaming magpang-abot .
"Papasukin mo!" patarantang sabi ni Tita Venice.
"Heto na po si Sir Leuwan"
3RD PERSON'S POV
Niyakap ng mahigpit ni Tita Venice si Leuwan. Anak na ang turing niya sa binata kahit noong mga bata pa lamang sila ni VeneXity. Kung magkakatuluyan lang sila ni Leuwan, iyon na ang katuparan ng pagkakaroon niya ng anak na lalaki. Na-miss niya ang binata ng matagal na panahon. Nakikibalita na lamang siya kay Hilda dahil kahit paano ay meroon silang pinagsamahan. Alam nilang nag-break ang kanilang mga anak sa di malamang kadahilanan. Inirespeto nila ang katahimikan ng dalawa.
"Kumusta ka na Iho? Halika, maupo tayo. Kailan ka pa umuwi?"
"Mabuti naman po. Noong nakaraang linggo lang po ako umuwi. "
"Are you back for good?"
"Hindi ko po masabi sa magiging takbo ng business ko dito sa Pilipinas" sabi ng binata.
"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon? tanong ni Tita Venice habang papalapit ang daddy ni VeneXity.
"Uy, si Leuwan to a. Kumusta ka na?" kinamayan siya ng daddy ni VeneXity.
"Mayroon po akong construction firm sa may Ortigas"
"Tamang tama, may ipaparemodel kaming kuwarto ngayon. Baka puwedeng ikaw na ang kontratahin namin"
"Talaga po?"
"Mommy, ipaghanda mo na lang muna si Leuwan ng miryenda"
"Sige, maiwan ko muna kayo dyan"
Umakyat si Mr. Olivarez kasama si Leuwan. Pamilyar sa kanya ang kuwartong tinutungo nila. Luminga-linga siya sa paligid at wala ito halos ipinagbago. Nagtataka siya kumbakit wala man lang bagong larawan si VeneXity doon.
Binuksan ni Mr. Olivarez ang kuwarto ni VeneXity.
Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng kuwarto, mangilan-ngilan na lamang ang gamit doon ng dalaga. Malinis ang study table nito at gayundin ang bookshelf.
"Leuwan, ipaparemodel namin ang kuwarto ni VeneXity." hinugot ni Mr. Olivarez ang isang folder sa study table ni VeneXity. Iniabot ito kay Leuwan.
"Nakalagay diyan ang mga detalye ng ipaparemodel sa kuwarto ni VeneXity. Nandyan din ang mga design ng furnitures at double bed na gusto niyang ilagay . Pag-aralan mo kung kaya mong gawin para sa kanya. Anyway, alam mo kung ano ang pasado sa panlasa ni VeneXity" sabay tapik ni Mr. Olivarez sa balikat ng binata.
"Sige, Tito Edwin. Pag-aaralan ko ang detalye ng kuwarto. Maybe its okay if I'll come from time to time to look closely where to start the remodelling process" pormal siyang nagsalita bilang isang propesyonal na inhenyero.
Double bed? Mukhang mag-aasawa na yata si VeneXity. Hindi ko kayang itanong dahil hindi ko alam kung matatanggap ko ang sagot ng magulang ni VeneXity.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...