Habang naghihintay, inikot ni VeneXity ang buong resthouse. Binuksan ang tatlong kuwarto sa taas.
Hinalughog diin ang mga cabinet sa gawing kusina at may nakita siyang lagayan ng mga alak. Sinubukan ni VeneXity na uminom habang naghihintay kay Leuwan. Ngunit sa haba ng kanyang paghihintay, napadami rin ang kanyang inom. Umakyat ito sa kuwarto at doon ipinagpatuloy ang pag-inom.Nalasing si VeneXity kahit mababa lang ang alcohol content nito. Hindi rin ito sanay na uminom kaya madali itong tinamaan ng kalasingan.
Hapon na ng makabalik si Leuwan. Hindi na rin namalayan ni Xity pagdating ni Leuwan. Nagluto na ito sa kusina at tatawagin na lang sana ang dalaga kung puwede nang kumain.Nagtaka si Leuwan dahil kahit anong lakas ng tawag niya ay hindi bumaba si VeneXity. Hindi rin ito sumasagot sa kanya. Napilitan siyang umakyat.
Sa init na nararamdaman dala na rin ng alcohol na ininom ay hindi makakilos ng maayos si VeneXity.Naghubad siya ng damit habang nakapikit at nakahiga. Hindi makatingin ng diretso si Leuwan sa pinaggagawa ng dalaga pero natatawa- tawa ito sa sarili. Nakita na niya ngayon kung gaano kaseksi ng mapapangasawa. Dapat lang na mapangasawa niya si VeneXity. Naka-panty at bra lang ito na natulog. Kinumutan niya ang dalaga habang umuungol ito sa sobrang kalasingan. Pabaling-baling rin ito ng higaan .
Bumaba ito saglit. Medyo madilim na rin sa paligid.
"Xity, gising. Gusto mo bang kumain muna?"
Ayoko" sagot lang ng lasing ang narinig niya kay Xity.
Hinila siya ng dalaga sa higaan at siya mismo ang agresibong humalik sa kasintahan. Wala siyang nagawa kundi halikan din ang dalaga. Gumapang ang kamay ni VeneXity sa batok ng binata at nahawakan nito ang kanyang buhok habang patuloy siyang hinahalikan. Nataranta siya sa ginawa ng dalaga. Gumapang ang kamay nito pababa ng kanyang likuran at hinatak pataas ang damit ng binata para hubaran ito ngunit hindi ito kaya ng dalaga. Hinawakan ni Leuwan ang kamay ng dalaga, baka kung ano pa ang iba nitong gawin at lalo siyang madala sa tukso na pagsisihan nilang pareho sa bandang huli. Si VeneXity lang ang lasing at nasa katinuan siya para gawin ang tama. Tinanggal nito ang tali ng kanyang buhok. Napakaganda ni VeneXity, para lang siyang diyosa. Mamula-mula ang mukha ng dalaga dahil sa kalasingan .
Umungol ang dalaga dala na rin ng sobra nitong kalasingan.
"I love you VeneXity. Marry me"
"Yes, I am going to marry you"
"Really?"
"Yes, I am going to marry you" nakamulat ang mata ni VeneXity pero hindi rin sigurado si Leuwan kung nasa katinuan ito.
Inilagay ni Leuwan ang singsing sa dalaga. Hinalikan niya ito ng buong pagmamahal.
Tinamaan ka ng magaling, VeneXity. Kung hindi lang dahil mahal kita malamang na may mangyayari sa iyo ngayong gabi.
Pigilan mo ang iyong sarili Leuwan!
Pigilan mo ang sarili mo!
Hindi niya mapigilan ang sarili kaya buong gigil niyang hinalikan ang dalaga. Walang kamalay-malay ang dalaga sa nangyayari.
Hindi siya makapaniwala sa ikinilos nito sa kama.
Binalot niya ng kumot si VeneXity upang hindi ito ginawin habang natutulog.
Tanghali ng gumising ang dalawa. Naunang gumising si VeneXity, sapo ang ulo nito.
"Aaahhh. Ang sakit ng ulo ko, Leuwan"
"Hmmm. Tulog pa tayo, VeneXity"
"Aahhhh! Leuwan, anong nangyari? Bakit ako nakahubad? At bakit dito ka natulog? Aaahhhh! Papatayin ako ng daddy ko! Aaaahhhhh!"
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomansaThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...
