CONFRONTATIONS

121 5 0
                                    

Hindi na inihatid ni Jude si VeneXity sa loob ng building ng KPTower kung nandun ang opisina ng dalaga.

Dumaan ito sa coffeeshop para sa paborito nitong kape.

Kakailanganinn niya iyon dahil hindi naman sila halos nakatulog ni Jude.

Busy silang dalawa habang tulog ang buong mundo.

Kung saang dimensyon man sila nakarating ay wala silang pakialam.

Mas mahalaga ang kasiyahang naramdaman nila.

Kitang kita ang kakaibang sigla ni Xity ng umagang iyon.

Buhay na buhay ang kanyang mga mata. Ang ngiti ay hindi maipaliwanag.

Iba ang aura niya pagpasok.

Maging ang mga empleyado ay manghang mangha sa kanya.

"Mukhang nadiligan ang ating boss, hahaha" Tawa nina Joey at Mimi.

"Ay naku, kumakanta ang buong mundo..." Sabi naman ni Jean.

"Lovelife... Lovelife... tingnan mo ang ginawa mo" Sabi ni Gellie.

Sigawan ang mga empleyado.

Nakitawa rin si Xity.

Pag-upo ni Xity, siyang pasok ni Leuwan. Ibinalibag niya ang pinto at ini-lock.

"Saan ka natulog kagabi? Bakit hindi ka umuwi ng condo?" Sigaw ni Leuwan.

Mahigpit ang hawak nito sa braso ni Xity. Nagpupuyos ito sa galit.

"Ano ba? Leuwan, nasasaktan ako. Aray!"

"Sinong kasama mo?" Sigaw ni Leuwan.

"Ako..." Mahinahong sabi ni Jude.

Pumasok ito at lumapit sa kanila. Kinuha kaagad si Xity.

"Nasaktan ka ba?" Tinanong kaagad nito sa dalaga habang hinihilot ni Xity ang kanyang braso.

"At anong ginagawa mo dito?"

"Bakit kailangan kong magpaliwanag sa iyo?" Matapang na sagot ni Jude.

"Wala kang karapatan kay Xity"

"Ikaw? Anong karapatan mo sa kanya?"

"Tigilan na nga ninyo 'yan... Tama na!" Awat ni Xity.

Iniharang ni Xity ang katawan kay Jude.

"Leuwan, I can't take this anymore."

"What do you mean?"

"Sinubukan ko... Sinubukan kong ibalik ang pagmamahal ko, ang pagtitiwala ko para sa iyo... pero nahirapan ako. "

"Xity, ginawa ko naman ang lahat. Sinunod ko ang gusto mo...Ano pa ba ang kulang?"

"Hindi mo mapupunan ang pitong taon ng ganun kadali. Angdaming nagbago, pati tao, pati ako puwedeng magbago. Hindi ko alam na aabot tayo sa ganitong punto na mapapagod ako sa iyo"

"Paano na tayong dalawa? May mga plano pa tayo?"

"Walang tayo... Sorry... Hindi na ako magpapakasal sa iyo dahil kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay niloko mo pa rin ako. Hindi na talaga puwede"

"Xity, sabihin mong naguguluhan ka lang..." Hinila ni Leuwan ang kamay ni Xity.

Lumuhod ito sa harap ng dalaga.

"Ano ang kailangan kong gawin? "

"Kalimutan mo na ako... May mga taong naghihintay sa iyo, umaasa na papansinin mo kaya imulat mo ang iyong mata" Sigaw ni Xity.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon