3RD PERSON'S POV
Linggo ng umaga ng makabalik ang buong crew ni VeneXity sa Pilipinas. Inabot sila ng isang buwan din sa Dubai. May ibang nagpaalam kay Xity na mag-i-extend kahit tatlong araw para makapagbakasyon. Pumayag naman ang lady boss dahil alam niya kung gaano kapagod ang kanyang staff para maging matagumpay ang kanilang Fashion Show .
Ngunit hindi naging tagumpay ang paghahanap niya kay Leuwan.
Naisip niyang tuluyan ng kalimutan ang binata.
XITY'S POV
Susubukan kong mahalin si Jude.
Sa tingin ko, hindi siya mahirap mahalin...
Unti-unti, mas naa-appreciate ko ang mga ginagawa niya.
Ayokong mag-compare, basta something is unique with how Jude stir my heart.
Hindi ko na halos naiisip si Leuwan kapag kasama si Jude.
Pasulpot-sulpot na lang siya sa aking alaala.
Tumunog ang kanyang phone pagkalapag ng eroplano.
"Annyeonghaseyo" bati ko sa telepono.
"VeneXity, si Clyde ito"
"Neh"
"How's your trip?"
"Kalalapag lang ng eroplano namin."
"See you in 3 days. Dito pa ako sa US"
"Ok, see you. I'll hang up"
Iyon si Clyde Zachary Rivera, siya lang naman ang CEO ng B&W Company, isang malaking kompanya ng Men and Women Clothing dito sa Pilipinas. Nagkakilala sila ng minsang nagdaos ng malaking Fashion Show ang kompanya niya. Naimbitahan si VeneXity para magpakita ng ilan sa mga piling disenyo. Simula noon, tinatawagan siya ng binata para imbitahang kumain sa labas o di kaya ay umorder sa kanya ng damit. Pero kahit minsan ay hindi siya naging interesado sa binata. Bagamat nagpapahayag ito na may gusto siya kay VeneXity, hindi niya sineseryoso ang panliligaw nito.
Hawak ni Jude ang kamay ni VeneXity paglabas nila ng eroplano.
"Sigurado ka ba sa pinapasok mo kahit alam mong mahal ko pa rin si Leuwan"
"Kung ayaw mo siyang kalimutan, wala akong magagawa"
"Basta ang gusto ko lang, mahalin ka. I have wasted 7 years waiting for you. "
"And..."
"It's about time to face my future..."
"And you see your future in me, ganoon ba?"
"No, I want you to be my future... But if that's not what God wants, let me be happy today... For we do not know what the future will be"
"Ok din palang kausap ang mas matured sa'yo"
"Oo naman..."
"Napakaseryoso mong kausap..." Nakangiti ang dalaga.
"Bakit natatawa ka? Niloloko mo ba ako? May ibang tao kasi na boring daw kausap ang mga seryoso."
"Not all the time. Ok naman ang sense of humor mo e... "
Inihatid siya ni Jude at nagulat ang mga magulang nito.
"Mom, Dad, I'm home..."
Sinalubong ng yakap ni Venice at Edwin si Venexity. Nagulat sila ng makitang nandoon din si Jude.
"Jude, why are you with VeneXity?" Tanong ni Venice.
"Sinundan po niya ako sa Dubhai. Sabay na po kaming umuwi" Si Xity ang sumagot.
"What?" Naibulalas na sagot ni Venice.
"Jude, halika. Tingnan natin ang bago kong remodeled room . "
Hinawakan ni Xity sa kamay ang binata at hinila paakyat ng hagdan. Nagkatinginan ang mag-asawa. Takang-taka sa nakikita. Hindi rin sila makapaniwala. Walang pagsidlan ng tuwa si VeneXity halatang authentic naman ang saya nito.
Pero halata ng ina na may bumabagabag sa anak.
"Okay ba?" Inihagis ni Xity ang katawan sa kutson.
"Hmm, your taste in this design is so ecstatic..."
"Ecstatic talaga..."
JUDE'S POV
Alam kong hindi ganun kadaling lumimot...
Hindi ako umaasa na ganun kadaling makaka-move on si Xity.
Wala naman talagang nagmahal na di nasaktan.
Kung magmamahal ako ngayon, expected ko na iyon na masasaktan ako.
Basta ang mahalaga ay masaya ako...
m
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
عاطفيةThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...