Kinabukasan, sabay-sabay na nag-agahan ang buong angkan ng Lorenzo.
Parang mahabang presidential table ang dining table nila sa mansion. Si Just Ice lang ang humiwalay ng tirahan kasama ang kanyang pamilya. Samantalang si Jude at Xity ay nanatili sa mansion pati ang kanilang tatlong anak na lalaki; sina Jarred , Jake Vincent at Jacoby Vinson. Doon pa rin nakatira ang dalawang dalaga nina Lemuela at Justice, sina Justine at Jazzy Lane.
Matagal ng ipinagdarasal ni VeneXity na kahit ang pangatlo nilang anak ni Jude ay babae na sana ngunit puro lalaki ang naging anak nila.
"Ehem, boys... Don't stress your Mama, okay!"
"Why, Papa?"
"I don't want you to give her things to worry..."
"Abah... mukhang ..."
"Yap, buntis po ako, Mommy, Daddy..." Tumingin ito kay Lemuela at kay Justice.
"Wow! Congratulations... " Bati ni Justine.
"Congrats, Ate..." Humalik si Jazzy.
Sabay na yumakap ang tatlong lalaki...
"Dalian na ninyong mag-almusal para makapasok na kayo"
"Yes, Lola..."
Masaya ang buong pamilya sa inaasahan nilang bagong miyembro ng Lorenzo... inaasahan nilang babae na ang huling anak ni Xity.
Maaga ring dumaan ang ina sa school ni Jarred.
Samantala, nilapitan kaagad ni Jarred si Lewisa ng makita niya ito sa klase.
Tahimik ang dalaga. Nakayuko ito at noon pa lang gumagawa ng kanyang homework.
"Anong nangyari? Pinagalitan ka ba?" Tahimik na humikbi si Lewisa.
"Bakit ka umiiyak?"
Pagtingin ni Jarred, halatang may pasa ito sa kanang pisngi. Hindi gaanong halata pero kapag nilapitan mo, malalaman mong pasa ito.
"Tsk! Tsk! Tsk!...Kasalanan ko ba?"
"Naku, huwag mong isipin na kasalanan mo yun..."
Seryosong nag-uusap ang dalawa ng ipatawag si Lewisa sa Math Department.
Nagmadali ang dalaga at dala ang isang notebook.
Nagulat siya ng makita doon si VeneXity. Abot tenga ang ngiti nito.
"Lewisa, gusto kang kausapin ni Mrs. Lorenzo"
"Tita Xity na lang ang itawag mo sa akin"
"Bakit po ninyo ako gustong kausapin?"
"Iha, kung nahihirapan kang i-tutor si Jarred at hindi gusto ng daddy mo na nali-late kang umuwi sa inyo, maghahanap na lang ako ng tutor para kay Jarred. By the way, here's my picture with autograph. As you requested from Jarred. And a nice dress from Vanilla Collection..."
Titig na titig si Xity sa dalaga.
Pamilyar siya sa mukha na iyon.
Hindi siya puwedeng magkamali.
Kamukha niya si Leuwan.
"Wow, thank you po." Binuklat ni Lewisa ang paperbag.
Napatalon ito sa tuwa at niyakap ng buong higpit si Xity.
Bahagya itong napaluha sa sobrang saya.
"Paano po ninyo nalaman na ganitong style ang gusto ko?"
"Because I know what girls want to wear."
"Thank you po ulit..." Niyakap ulit ni Lewisa ang babae.
"Bakit po ninyo ako tinititigan?"
"Iha,lumapit ka nga sa akin saglit. " Hinawi ni Xity ang buhok na nakatakip sa pisngi ng dalaga. Napansin niyang may pasa ito.
"May nanakit ba sa'yo iha?"
"Wala po. Nilaro ko po kasi yung younger brother ko kagabi at nasuntok niya ako sa pisngi. Three-years old po si Hanz Lewis, kaya masyadong maharot"
"Ganun ba?" pero batid ni Xity na nag-aalibi lang ang dalaga.
"Ipapahatid na lang kita ng maaga sa inyo para hindi ka pagalitan sa inyo"
Pagtalikod ni Lewisa ay nakaramdam siya ng kurot sa kanyang puso.
"Jude, are you busy? Will you drop by my office?"
"I'll wait..."
Tahimik si VeneXity.
Naghintay kay Jude.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...