HEALING ARMS

127 5 0
                                        

XITY'S POV

Nalampasan ko ang kamatayan sa ikatlong pagkakataon.

Una, nang magkahiwalay kami ni Leuwan... kamatayan ang katumbas noon para sa akin.

Ikalawa, nang biglang umalis si Jude ng di nagpapaalam... kamatayan para sa akin iyon.

Ikatlo, nang maaksidente ako... Totoong kamatayan ang nalampasan ko...

Akala ko hindi na kami magkikita ni Jude.

Isang linggo ring hindi nagpakita si Jude.

Marahil ay nagpahinga ito.

Parang nabunutan ng tinik ng iminulat ko na ang aking mga mata.

Masaya ako na siya ang una kong nakita dahil siya talaga ang gusto kong makita.


"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Jude.

"Sana hinayaan mo na lang akong namatay"

Mahina ang boses ni VeneXity habang naka-neck brace pa ito.

"Malulungkot si Leuwan kapag nangyari iyon"

"Ikaw, hindi ka ba malulungkot kapag namatay ako"

"Ang kamatayan mo ay kamatayan ko din, VeneXity"

Tumulo ang luha ng dalaga. Tahimik at hindi halos makapagsalita.

"Hindi ba mahalaga para sa iyo ang mararamdaman ko"

"Sssshhhh! Tama na yan... Magpahinga ka na"

Pinahid ni Jude ang luha ni Xity.

"Tahan na sabi..."

"Jude, mahal mo ba ako?"

"Oo, mahal na mahal kita..."

"Bakit mo ako iniwan ng ganoon?"

"Tahan na... Magpahinga ka para lalo kang lumakas"

Alam ni Xity na iniiwasan ni Jude na pag-usapan ang ginawa niya.

"Hindi ka pa ba naniniwala na mahal na kita?"

Hindi makapagsalita si Jude.

Halos madurog ang puso ni Leuwan sa nakita.

Pero hindi siya susuko...


JUDE'S POV

Kapag gumaling na siyang tuluyan... saka ako magpapaalam sa kanya ng maayos.

Oo, ngayon ko naiintindihan kung ano ang pagmamahal.

Masarap sa pakiramdam.

Pero may sakripisyo itong kaakibat.

Ang pag-ibig ay isa pagsubok.

Kapag natutunan mong magpalaya dahil sa pag-ibig kahit gaano pa ito kasakit sa iyo... sa tingin ko, iyon ang pag-ibig na totoo.


LEUWAN'S POV

Dinadalaw ko si Xity ng palihim...

Wala namang problema kay Jude kung dalawin ko si Xity pero dahil kumukulo ang dugo ko sa kanya, ako ang palaging nanggigigil sa kanya.

Parang gusto kong ibuhos ang lahat ng galit ko sa kanya dahil sa nangyari kay Xity.

Pero sa kabila nun ay nakita ko kung gaano siya kaseryoso kay VeneXity.


VENICE AND EDWIN'S POV

Hindi naging madali sa amin ang pinagdadaanan ni Xity, ni Jude at ni Leuwan.

Hindi namin inaasahan na makakaharap sa matinding pagsubok ang aming pagkakaibigan nina Hilda at Kris dahil sa malabong pagbabalikan nina Xity at Leuwan ng pumasok sa eksena si Jude.

Si Xity lang ang puwedeng pumili kung sino kina Jude at Leuwan ang kanyang sasamahan... kung sino ang kanyang mamahalin.

Kung anuman ang kanyang maging desisyon ay hindi namin siya pipigilan dahil mahalaga sa lahat na masaya siya sa buhay na pipiliin niya.

Nandito lang kami palagi para alalayan siya at suportahan ang kanyang mga plano sa buhay.


MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon