MOMENT OF TRUTH

120 6 0
                                    

XITY'S POV

Paggising ko ng umagang iyon, nakapagdesisyon na ako na tapatin na si Leuwan.

Ayokong umabot kami sa punto na hindi na ako makakatakas pa sa kanya.

Ayokong ipilit ang isang bagay na matagal ng wala sa aming dalawa.


3RD PERSON'S POV

WANSHIN CONSTRUCTION FIRM

Pagpasok sa opisina. Maaga niyang sinimulan ang kanyang trabaho. Tinawag niya sa isang meeting ang kanyang staff para sa kanilang monthly report. Bandang alas dos na sila natapos. Pagbalik sa opisina, tiningnan ang iba pa nitong schedule. Noon lang niya napansin na meroon siyang appointment kay Mrs. Kimura bandang alas tres ng hapon.

"Cheska, bakit ka naglagay ng appointment kay Mrs. Kimura?"

"Sorry Sir. Kliyente po natin si Mrs. Kimura kaya po hindi ko naman po naisip na..."

"Sige. Wala naman akong magagawa. Nandiyan na yan e"

Nang hapon na iyon, inaasahan na niya ang pagdalaw ni Hana. Kliyente ni Leuwan si Hana Kimura. Half-Japanese , half-Filipina. Pero ang totoo, may past sila ni Leuwan, back in Dubai. It was not that successful dahil naghahanap si girl ng mayamang mapapakasalan. Hindi si Leuwan iyon. Nang aksidente silang magkita sa isang Japanese Restaurant ay may kausap siyang mga Hapon para sa kanyang itatayong negosyo. Kilala niya si Leuwan for having been working from a construction firm kaya si Leuwan din ang prefer niyang kontratahin for handling the construction plans on her restaurant.

Nagpunta ito sa opisina upang magkaroon ng business deal with the company . She can't take off his eyes from Leuwan lalo na ngayong hiwalay siya sa asawa at wala naman silang anak.

"Leuwan, let's live together" yumakap sa kanya ang babae.

"Tigilan mo nga ako, Hana." tinanggal ang mga kamay nito sa pagkapulupot sa kanyang leeg.

"I missed you so much"

Kinikilabutan si Leuwan sa ginagawa ni Hana.

"Bakit? sinong ipinagmamalaki mo? si Ms. Vanilla Oli? O come on. That bitch"

"Watch your word. Hindi mo siya kilala"

"At bakit? Kilala mo ba siya? For all I know, hindi pa siya gaanong sikat, isang pippitsuging fashion designer"

"Kailan ka lang dito sa Pilipinas? You may not know her that well. For your information, she is my childhood sweetheart."

Lalong nanggigil si Hana kaya kinabig niya si Leuwan at mahigpit na yumakap sa kanya. Mas desperado ang babae sa gusto niyang mangyari kaya habang hinahalikan si Leuwan, tinatanggalan pa niya ito ng necktie at butones sa damit.

Nang biglang bumukas ang pinto.

Hindi niya inaasahan ang bisita.

At hindi sa ganoong pagkakataon.


XITY'S POV

Sinadya ko talaga si Leuwan sa kanyang opisina.

Kanina ko pa siyang tinatawagan pero hindi niya tinatanggap ang tawag ko.

Tatapatin ko na siya.

Hindi ko na kaya.

Lalo lang akong nagkakasala.


"Leuwan? Anong ibig sabihin nito?" Huling huli ko sila sa akto. Na-shock ako sa aking nakita.

"Bakit? Hindi mo ba alam just by looking at us right now" sabi ni Hana.

"Shut up" saway ni Leuwan.

"Ganun ba? Dahil ba hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya?" umatras ako ng lumapit sa akin si Leuwan.

"No, it's not that. VeneXity, let me explain"

"So, you mean to say hindi mo kayang pasayahin si Leuwan. Nakakatawa ka naman! Pa-virgin ka naman, ateh"

"Will you please stop, Hana? You don't know what you're talking about"

"Don't touch me. How dare you do this to me again?." Sinampal ko si Leuwan habang tumutulo ang luha ng dalaga.

Mukha pa lang ni Hana, alam kong wala siyang gagawing maganda lalo na kay Leuwan.

"VeneXity, please listen to me. Makinig ka muna sa akin" parang naulit lang ang eksena dati. Hawak niya ako sa magkabilang braso.

"Ano ang hindi ko kayang maintindihan sa nakita ko? Binigyan na kita ng pangalawang pagkakataon.... Isn't it not enough?" nakawala ako sa pagkakahawak niya.

"It is not what you think." lumapit sa kanya si Leuwan para hawakan siya.

Sumigaw ako para lang mailabas ko lahat ang sama ng loob ko. Parang hindi ako makahinga.

"Ha, it is not what I think? Then what is it? " tumakbo palabas ng opisina si VeneXity. Pinindot niya ang button ng elevator pababa ng ground floor. Sumakay siya ng kotse.


Naunahan lang ako ni Leuwan.

Pero kaya kong balewalain ang nakita ko.

Sa kabila ng binigyan ko siya ng pagkakataon hindi pa rin siya nakaiwas sa tukso.

Puwede ko nang gawin iyong dahilan para mag-break kami.

Nasaktan ako kasi...

Hindi ko na siya kayang pagkatiwalaan habang tiwala pa si Jude na magbabago siya.


Iniwanni Leuwan ang kanyang kliyente. Patakbong sinundan si VeneXity ngunit hindi naniya naabutan ang dalaga. Sumakay siya ng kotse at hinabol si VeneXity.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon