HISTORY REPEAT ITSELF

110 5 0
                                    

FAST FORWARD

Lumipas ang 12 taon....


TRINITY HIGH...

I-RIZAL


"Okay Jarred, please answer number 1 on the board"

Lahat pala ng mga classmates ko, kanina pang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi pa siya tumatayo?" Bulong ni Philip.

"Hay, nagsimula na namang magdaydream tong si Jarred" Napapikit na lang si Gelo.

Seryoso namang nakatingin si Lewisa.

Bigla akong nagulat ng maramdaman ko ang chalk na tumama sa aking noo.

"Huh!"

"Ano bang iniisip mo, Jarred?" bulong niya sa sarili.

Nakita kong gulat na gulat ang aking mga kaklase.

May halong pagtataka kung ano ba ang naglalaro sa isip ko ng mga oras na iyon.

"What are you thinking again, Mr. Lorenzo?" Tanong ni Mr. Gonzalez.

"There you are Mr. Dreamboy. Dreaming about Korean girls again" Pang-aasar ni Constantine.

Matalim ang tingin ko sa gawing likuran kung saan naroon ang lalaking nagsalita.

Makapang-asar lang talaga!

Malakas ang tawanan sa loob ng klase.

Pinatayo ako sa harap ng blackboard habang namimilog ang mata ni Mr. Gonzalez.

Nakakatakot!

"Jarred! Nakikinig ka ba sa akin o talagang inuubos mo ang pasensya ko?"

Ang sabi ng nanggigigil na boses ng guro habang dinukdok ang noo ko sa harap ng aking mga kaklase.

"Eh Sir, naiintindihan ko naman po kapag ini-explain ninyo pero kapag sasagutan ko na, ambilis ko rin pong makalimutan"

Kahit nahihiya ay magalang pa rin akong sumagot.

"Iho, alam ko na yan."

"Sir, naman e. Mabubutas na po ang noo ko sa ginagawa ninyo".

Sabay kuskos ko sa noo ko.

"Boo, Boo ka talaga, Jarred" Sigaw ni Constantine.

Lalong lumakas ang tawanan ng mga estudyante.

Magkahalong hiya at galit ang naramdaman ko.

"Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Ang sigaw ng lahat.

"Sabi ni Papa, hindi daw umiiyak ang mga lalaki. Nakakainis talaga itong mga to" Sumimangot si Jarred.

"Tumigil nga kayo..." Saway ni Lewisa.

Lumapit ito sa board. Kinuha ang chalk sa kamay ni Jarred at siya ang sumagot.

Pinalakpakan siya ng mga kaklase.

Nagulat din si Mr. Gonzalez....

Saka nag-ring ang bell....

Hinabol ni Lewisa si Jarred.

"Jarred..." Habol ni Lewisa ang binata pababa ng hagdan.

"Uy, pansinin mo naman ako" Sabi nito.

"Bakit mo ba ako laging ipinapahiya sa klase natin? Porke't magaling ka sa Math"

"Hindi naman sa ganun. Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang galit. Nasaan naman ang justice dun?"

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon