THE VISIT

261 11 0
                                    

XITY'S POV

Tulad ng ipinangako ko sa aking magulang, dumalaw ako sa dating bahay namin. Matagal na kasi akong nakabukod sa kanila. Nakabili ako ng condominium kaya hindi ko na kailangang umuwi kung sakaling gabihin ako mula sa opisina.

Pero sa totoo lang, gusto ko lang lumayo sa lugar kung saan madami kaming alaala ni Leuwan. Ang buong kabahayan namin ay sa maliligayang araw ng aming kabataan. Ang aking kuwarto kung saan una niya akong nahalikan. Sa bakuran naming kung saan madalas kaming tumambay kasama nina Cymphonic, Nadine at Andromeda. Sa bakuran din kung saan halos awayin niya ako dahil kay Axel dahil ang totoo, selos na selos siya sa binata. Sa kabila noon, lahat ay mga alaala ng lumipas pero hindi ko kailanman nakalimutan bagkus ay binabalik-balikan ko pa nga. Sinisikap kong iwaksi ang lahat ng iyon sa aking isipan kahit nagdadala lang ito sa akin ng matinding kalungkutan.

Nagdala ako ng isang basket ng prutas para sa aking magulang. May isa pang extra para sa magulang ni Leuwan.

Pagdating, niyakap ko ang aking daddy at mommy.


"Anak, mukhang namayat ka."

"Naninibago lang po kayo."

"Baka naman hindi ka na kumakain ng tama at puro na lang trabaho ang iniisip mo. Aanhin naman natin ang maraming pera kung sakitin ka naman"

"Si Mommy talaga, ang daming iniisip. Dapat masaya kayo kasi nakauwi ang inyong unica iha."

Nagkatawanan ang mag-anak.

"Teka, VeneXity. Itutuloy mo ba ang pagpaparemodel ng kuwarto mo?"

"Yes, dad. Baka may kilala kayong engineer na puwedeng magremodel ng kuwarto ko"

"Ano bang plano mo sa kuwarto mo? Ano ang ipapaayos mo?"


Kinuha ni Daddy ang detalye ng gusto kong ipaayos sa aking kuwarto. Gusto kong maging eksakto ito sa gusto ko. Bagamat wala pang maisip si Daddy kung sino ang puwedeng gumawa nito ay sinigurado nilang aabisuhan ako kung puwede na itong umpisahan.


"Mommy, pupuntahan ko saglit sina Tita Hilda at Tito Kris. May pasalubong din ako sa kanila"

"Okay, sige. Balik ka kaagad dito"

Pagtalikod ko...

"Magkita kaya sila ni Leuwan? bulong ni Edwin kay Venice pagkatalikod ng dalaga.

"Hindi siguro kasi, mukhang nag-iiwasan ang dalawa pero halata namang mahal pa nila ang isat isa. "

Hindi na nagka-boyfriend si VeneXity. Isinubsob na lang ang sarili sa trabaho para lang siguro makalimot"

"Ganun din naman si Leuwan. Nangibang bansa na lang para makalimot siguro ang binata pero tingnan mo at bumalik pa rin"


♠♠♠♠♠♠♠

Pinindot ko ng ilang beses ang doorbell sa gate nina Leuwan. Matagal akong napagbuksan dahil busy ang mga kasambahay. Wala akong kaalam-alam sa magaganap na Welcome party para kay Leuwan . Tulad ng dati, hindi ko balak mag-usisa tungkol kay Leuwan tuwing dadalaw ako kina Tita Hilda at Tito Kris.


"Hi Tito Kris, Tita Hilda, kumusta po?"

"Uy, VeneXity, ang aming VeneXity. Na-miss ka namin iha. " niyakap ako ni Tito Kris.

"Oo nga VeneXity. Dalas-dalasan mo naman ang pasyal dito sa amin. Ngayon ka lang ba umuwi?" sabi ni Tita Hilda.

"Opo, pinauwi po ako ni Mommy at Daddy para sa plano kong renovation sa kuwarto ko. Baka po may kilala kayo engineer na puwedeng i-recommend kay Daddy." nagkatinginan ang mag-asawa.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon