BLACK MUSTANG MEETS MERCEDES BENZ

201 5 0
                                    

Kinabukasan....

Hindi mawari ni Jean kung masama ang timplada ng lady boss. Hindi ito umiimik. Hindi rin siya ngumingiti. Halos magkasunod sila ni Jude.

Kauupo lang niya sa kanyang swivel chair at halatang wala ito sa sarili, hindi nga niya namalayang nasa harapan na niya si Jude.

"Bakit parang wala sa mood ang aking reyna?"

"Not that , I am not in the mood"

"What's the problem? What worries you? Hmmm, I missed you... Di kita nakausap buong maghapon kahapon. Busy ka daw sabi ng sekretarya mo."

Kaya pala, alanganing lumapit sa akin si Jean... Nang makita kami ni Leuwan, lalo itong kinabahan.

Hinila niya si Xity at niyakap ito. Alam niyang posibleng stress lang ang dalaga sa trabaho nito.

"Pahinga ka din pag may time..."

"Wala naman akong masyadong ginawa kahapon"

"Tell me, anong problema?"

Yumakap din siya. Mas gusto niyang niyayakap siya ng matitipunong bisig ni Jude pero sa isip niya si Leuwan ang kanyang naaalala.

"Jude... nagkita na kami ni Leuwan. What will I do?" Hindi niya nakitang nag-alala si Jude. Ngumiti ito.

"Is the feeling back?" Seryosong tanong ni Jude. Titig na titig ito sa mata ng dalaga.

"I'm confused" Napayuko si VeneXity.

Biglang natawa ng malakas si Jude. Napatitig ang binata sa dalaga habang nakahilig ito sa kanyang dibdib.

"Bakit kailangan niyang ma-confuse? "

"Bakit ka tumatawa?' Pumadyak ito na animo'y batang nagdadabog. Hinampas si Jude sa braso.

LEUWAN'S POV

Kanina ko pa silang pinagmamasdan.

Hindi ko na-imagine na makikita ko si Xity na may kayakap na iba.

Ganito siguro ang naramdaman niya ng makita kami noon ni El Xandria sa Math Room.

Parang gusto kong magwala tulad ng pagwawalang ginawa niya.

Pero ano bang karapatan ko?

Wala...

And this guy has the advantage...

Sino siya?

Si Jude...

Pumalakpak si Leuwan.

"What a great sight in your office?" Nakakainsultong sabi ni Leuwan.

"Ehem...nakakaistorbo ba ako..." Kitang kita ni Leuwan na magkayakap ang magkasintahan. Hindi siya makapaniwala ng makita kung sino ang bagong boyfriend ng dalaga.

"Leuwan..."- Xity.

"So, nagkita na pala kayo" Hindi binabanggit ni Jude na girlfriend niya si Xity.

"Ito ba ang lalaking ipinagmamalaki mo..." Parang nainsulto si Leuwan. Idinuro si Jude. Hindi naman nagreact ang binata.

"Leuwan, please act like civil people do. " Sabi ni Xity. Kinakabahan ito. Baka magkagulo sa loob ng opisina niya.

"Wala naman akong ginagawa e... Hindi ako manggugulo..." Naiiritang sabi nito.

"I was so surprised... Hindi ako makapaniwala na itong..." Napayuko si Leuwan.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon