Makalipas ang tatlong buwan, pabalik-balik sa opisina ni VeneXity si Leuwan.
"Mimi,paki-update na lang si Xity about the expenses... Kung si Jude ang puwede niyang papuntahin, okay lang atleast makita man lang ang overall process ng contruction ng boutique niya. Baka may gusto siyang ipabago..."
"Sige, Sir Leuwan... Sasabihin ko kay Sir Jude"
Maging ang kanyang mga magulang ay tahimik sa sitwasyon tungkol kay Hana. Ngunit hindi niya nahahalatang malungkot bagkus ay mas masaya sila ngayon.
"Kumusta na kaya ang mga bata?" habang nasa harap ng alak.
"Leuwan, tigilan mo na yan"
"Dad, sa ganitong paraan lang po ako makakatulog" tumulo ang luha nito.
"Ayusin mo ang sarili mo. Ni hindi ka na nakakapag-ahit. Mas malulungkot ang mga bata kapag nalamang nagkaganyan ka simula ng magkahiwalay kayo. Ituon mo na lang ang pansin mo sa trabaho kesa puro alak ang inaatupag mo"
"Dad, kumusta na kaya sila? Bakit bigla nila akong iniwan kung kailan handa na akong magbago? Anong nangyari?"
Hindi namalayan ni Leuwan ang paglipas ng mga buwan. Biglang bigla, nagpaalam ang kanyang mga magulang para bisitahin ang kanilang kamag-anak sa ibang bansa ngunit hindi malinaw kung saan at kung sino. Inabot sila doon ng halos isang buwan. Nagtaka si Leuwan dahil pagbalik nila ay hindi man lang sila nagkukuwento ngunit angsasaya nila. Kapag naririnig niya ang dalawa, tuwang tuwa sila, pero kapag nandyan na siya, bigla silang tumatahimik. Palagi rin nilang tinitingnan ang kanilang cellphone na parang may tinitingnang larawan at tuwang tuwa sila rito.
"Tingnan mo, dad. Ang cute cute niya"
"Well, kanino pa ba magmamana yan?"
Isang araw, laking gulat niya ng makita si VeneXity. Lalong gumanda ito kahit halatang nagdagdag ito ng timbang. Napakaaliwalas ng kanyang mukha at napakasaya ng kanyang aura. Nakapanganak na siya.
"Good morning, Mrs. Lorenzo"
"Uy, Leuwan... Kumusta? Hindi ka man lang dumalaw sa ospital. Ikaw ang kumusta?"
"Siya na ba ang baby ninyo? Angcute naman..."
"Atlast, our long awaited princess.... " Sabi ni Xity. Nasa tabi niya si Leuwan.
"Heto, busy sa construction" Umupo na ito sa sopa.
Dumating si Jude, dala-dala ang ilang gamit ng bata.
"Hello, baby... Hi, Honey... Kumusta Leuwan? Nakita mo na ba ang aming baby girl. Ay sa wakas, may babae na rin kami"
"Kaya ka pala, wiling wili kay Lewisa."
"Syiempre... kahit sino namang babae, gusto talaga ng anak na babae"- Xity.
"By the way, this is the last design for your boutique. Pakitingnan na lang... Aalis na rin ako"
"Leuwan, salamat. Why don't you join us for dinner? Sa mansion, alam mo naman yun di ba?"
"Yap, sige... pupunta ako"
"Thanks, Friend"
Napangiti na lang si Leuwan.
Nakita niya kung gaano kasaya sina Jude at Xity sa kanilang bunsong anak.
Saamantala....
"Xity, hindi ba alam ni Leuwan na nanganak na rin si Hana?"
"Hindi niya alam na buntis si Hana ng maghiwalay sila"
"Talaga..."
"May communication pa kaya sila?"
"Mukhang concern na concern ka ngayon kay Leuwan a"
"Para kasing mahirap yung pinagdadaanan niya ngayon lalo pa't malayo siya sa kanyang pamilya. I can't imagine myself being away from you and with the kids. Not with my little Judevene..."
"Jude, tama na ang kahahalik! Magigising si Baby Judy"- Xity.
"O, alam ko kung anong ibig sabihin ng mga tingin na yan. Tigilan mo ako"
"Ilang buwan din akong natuyo..."
"Naku, tigilan mo ako... Baka mamaya, hindi pa lang nakakaisang taon si Baby may kasunod na"
"E ano naman? Mayaman si Papa... Kayang kaya natin silang buhayin"
"Alam mo namang mahihirapan na akong manganak."
"Basta, mamaya... Behave pa naman si Baby kaya hindi yan mag-iingay na busy ang kanyang Mama at Papa"
"Loko-loko...O di ba... behave ka mamaya ha kasi aasikasuhin ni Mama si papa, ano..." Tumawa ang munting sanggol nang bigla itong magmulat ng mata, parang naintindihan ang sinabi ng ama.
"See, payag si baby kaya... Xity, hihintayin kita sa banyo mamaya"
"Sa banyo?"
"Huwag kang maingay... Sa bathtub tayo tapos sa kama tapos sa sopa tapos sa...saan pa ba?"
"Sa carpet...." Sabay tawa ng dalawa.
"Ehem, excuse me po.... Ma'am at Sir, paistorbo lang po ha!"- Mimi.
"Ma'am , darating daw po sina Ms. Bora at Hyolin ngayon... Sino po ba yun?"
"Ha, ngayon ba yun? Naku may pictorial sila sa Boracay ngayon..."
"Ma'am, ayos na po ang lahat..."
"Hay, salamat. Akala ko naman... Nakakahiya kung wala silang matutulugang hotel ngayon. "
"Parang kapangalan nila yung mga KPOP Artist..."
"KPOP Artist talaga sila..."
"Ay, Ma'am... Hihingi po ako ng autograph ha..."
"Oo na..."
XITY'S POV
Jude has always been supportive of me.
Kahit may trabaho siya, hindi niya kami kinakalimutang bigyan ng sapat na panahon.
Mahalaga para sa kanya ang bawat sandali kaya sinisikap naming magkaroon ng masaya at maayos na pagsasama.
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...