LEUWAN'S POV
Hindi maganda ang nangyari kagabi kaya lalong hindi maganda ang gising ko.
Hindi ko alam kumbakit heto na naman ako at iritable at hindi matinong mag-isip.
Hahaha, tumatanda na ba ako? O kailangan ko lang ng pampagana at pampainit ng katawan para mabuhayan ako ng dugo.
Hindi maganda ang ganitong pakiramdam.
Kadarating ko pa lang, hindi na maganda ang salubong sa akin ng mga pangyayari.
Nasa garahe si Roman at nililinis ang aking kotse.
"Wow Sir, angganda ng sasakyan ninyo a! Black Mustang"
"Oo, Black Mustang na may gasgas. Kadi-deliver lang kahapon at nagasgasan kagabi ng hindi ko malaman kung sino."
"Baka naman chikas 'yan, Sir. Diskartehan mo na lang Sir."
"Tigilan mo ako, Roman"
"Sir, di mo pa po ba nakakalimutan si Mam VeneXity?"
Tumahimik lang ang binata.
"Nagpunta nga raw siya sa reunion kagabi at hindi man lang nagpakita sa akin"
"Bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin? Hanggang ngayon ba iiwasan mo pa rin ako?"
"Bakit po? Gusto rin po ba ninyong makita si Ma'am VeneXity"
"Hindi ko alam kung gusto niya akong makita"
"Ito naman si Sir, pahihirapan mo pa sarili mo e ang lapit naman ng bahay nina Ma'am VeneXity. Bakit hindi na lang po ninyo siya dalawin?"
"Sige, Roman. Tapos na ba iyan? Kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Marami pa akong pipirmahang papeles sa opisina."
"Okay na po ito Sir. Ihahatid ko na po kayo."
Pumasok sa kotse ang binata at ipinagmaneho siya ni Roman.
"Tsaka tatawagan ko pa 'yung nakagasgas ng Black Mustang ko"
"Sir, tanungin mo kung dalaga pa. Baka puwedeng ligawan" Sabi ni Roman.
Pumikit siya at sumandal sa upuan.
Nakaidlip ang binata.
Nagising na lang siya sa pagyugyog ni Roman sa kanyang balikat.
"Sir, nandito na po tayo" Sabi ng family driver nila.
Sa Skycraper Tower ang opisina ng family business nina Leuwan . Isa itong construction firm business na sinimulan ng kanyang ama, ilang taon na rin ang nakararaan. Malaki-laki na rin ang kanilang kompanya, dangan nga lang at kailangan niyang mangibang bansa pa para lang makalimot kay VeneXity.
Matagal na sa kanyang sinasabi ng ama na hawakan na ang negosyo nila ngunit inabot pa ng pitong taon bago siya magising sa katotohanan.
Nasa 9th floor left wing ang kanilang opisina.
Pagpasok sa opisina ay malugod siyang binati ng batang empleyado ng kanyang ama.
Lahat ay nakangiti sa kanya.
Pumasok siya sa kanyang opisina.
Naupo ito sa kanyang mesa.
Kinuha ni Leuwan ang piraso ng papel na kinalalagyan ng cellphone number ko atsaka nag-dial.
Tumunog ang telepono sa kabilang linya. Sinagot ng di nakikilalang matalik na kaibigan.
VANILLA'S OFFICE
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...