Tinanghali ng gising si Leuwan.
Bandang alas diyes na siya dumating sa opisina.
Tamang- tama lang sa pagbaba nina Herbert at William.
"Good morning, Boss"
"Sumunod kayo sa akin sa opisina"
"Boss, galit po ba kayo?"
"Dalian ninyo!"
Nataranta ang dalawa. Halos magsikuhan sila sa loob ng elevator.
Pagpasok sa kompanya.Binati siya ng kanyang sekretarya pero tulad ng dati, hindi niya ito pinansin.
"Tawagin ninyo si Gilbert at sumunod kayo sa akin sa opisina"
"Opo, Sir" tarantang tinungo ang cubicle ni Gilbert.
Kinalabit niya ito at ngumuso na tumayo at sumunod sa kanya.
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Basta ipinapatawag niya tayo sa opisina"
"Now na"
"Oo, now na"
Nakita nilang pumasok si Cheska dala-dala ang schedule ng boss. Lumabas din ito kaagad.
Seryoso ang mukha ni Leuwan.
Nakatayo ang tatlo sa harapan ng kanyang lamesa habang tinititigan niya isa-isa ang mga ito.
"Sinong...." hindi pa lang niya nasasabi ang gusto niyang sabihin.
"Boss, sori po kagabi kung hindi ninyo nagustuhan ang ginawa namin"
"Naawa lang po kami sa kalagayan ninyo kaya nagawa naming tawagan 'yung naka-miscol sa telepono ninyo"
"Hayaan po ninyo, hindi na namin pakikialaman ang telepono ninyo"
Tumayo ito. Isa-isang dinuro ang tatlo.
"Boss, huwag mo kaming sisisantehin" sabay-sabay na sabi ng tatlo, hitsurang nagmamakaawa sa kanilang boss.
"Good Job! Hindi ko akalaing maiisip ninyo ang ginawa ninyo kagabi"
Nagtaka ang tatlo. Akala talaga nila ay galit si Leuwan sa kanilang ginawa.
"Sir?"
"Kahit paano ay mapapakinabangan din pala kayo" natatawa lang si Leuwan.
"What do you mean, Sir?"
"Everything turned out to be good"
"Bakit Sir si Ms Vanilla Oli ang miniscol ninyo e VeneXity ang pangalang binabanggit ninyo?"
"Sira, iisang tao lang 'yon"
"Ganoon?"
"Pero, Sir, in fairness, masaya po kami na makita kayong masaya"
"May development na po ba?"
Hindi na niya sinagot si William, bagkus trabaho ang inatupag.
"Saan ba ang lakad ninyong dalawa?" baling ni Leuwan kina Herbert at William.
"Sir, bibisitahin namin ang site ng pagtatayuan ng restaurant ni Ms. Kimura"
"Sige, punta na kayo doon"
Gumaan ang aking pakiramdam ng aminin kong mahal ko pa rin si Leuwan. Parang napakasaya ko para ngumiti palagi sa sinumang makasalubong ko. Alam kong nahalata rin ito ng aking staff ng pumasok ako sa opisina.
Tama ba ang ginawa ko? O ginawa ko lang iyon para lang hindi niya isiping nagbago na ang lahat. Ang pagmamahal ko sa kanya ay di tulad ng dati. Hindi ko na maibabalik ang tulad ng dati...Sinusubukan ko lang ibalik kung kaya pa...

BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...