TIRED HEART

176 8 0
                                    

JUDE'S POV

My heart has never grew tired of Xity.

The more I think of her, the more I yearn for her.

I was making my very best to win her heart.

Even if it means following her...

"Mommy, I'll take my early flight to Dubhai tomorrow" Paalam ni Jude sa kanyang ina.

"What for?" Tanong ni Lemuela.

"I can't bear listening to her cry..."

"Jude, be honest with me... What are you up to?"

"Win her heart... Marry her..."

"Anak, hindi mo ba iniisip na baka ka masaktan sa ginagawa mo. You're taking too much risk and making all the effort. I worry too much..."

"Mom, ngayon lang po ako magkaka-girlfriend. And I dream to marry her. I am serious about this. I've seen all the signs that I asked... Everything is white and pure... She asked me to stay which she never did before..."

"Sus! signs ka dyan... Sa edad mong yan, naniniwala ka pa sa mga signs..."

"Mom, I prayed for that. And I mean it, it's an answered prayer... I trust my God"

"Magpari ka na lang..."

"Mom..."

"Okay, just be careful and take care...Carebear"

Biglang natawa si Jude.

"Bakit?"

"Because Xity also calls me Carebear..."

"Hay, ewan... Masyado kang in-love..."

Nagulat si VeneXity ng makita sa harapan ng pinto ng hotel na kanyang tinutuluyan si Jude. Naiyak ang dalaga sa ginawang effort ni Jude. Niyakap siya ng binata.

"Jude, what are you doing here?"

Pinapasok niya ang binata.

"Nag-alala ako sa iyo. Kumusta ka na?"

Nangilid muli ang luha ni Xity. Naupo ito sa sopa.

"Hindi ko na yata siya makikita"

"Maliit lang ang mundo, Xity... Imposibleng hindi kayo magkita. Sabay na tayong umuwi"

"Wala ka bang trabaho at sinundan mo pa ako dito"

"Para sa iyo... Wala akong hindi kayang gawin... Ayokong naririnig kang umiiyak... Tahan na" Hinagod ni Jude ang likod ng dalaga.

Ngayon lang muli naranasan ni Xity na humilig sa dibdib ng isang lalaki. Napapikit siya at muling nakita ang alaala ni Leuwan. Napayakap na siya sa binata ng tuluyan.

Pagtingala niya nagulat si VeneXity ng maglapat ng di sinasadya ang kanilang mga labi.

Mainit ang labi ni Jude, ramdam niyang nanginginig ito ng lumapat sa labi ni Xity. Malambot ang kanyang labi, halatang wala pang nahahalikan at mabango ang kanyang hininga. Nakakatukso ang kanyang pagiging gentleman.

"Xity, I love you. Try me... "

"Jude, don't hurt yourself. I don't want to even cause you pain..."

"It doesn't matter, I just wanted to love you... Let me try loving someone"

"Does it have to be me?"

"I just want to be you"

"Paano kung dumating si Leuwan?"

"I know, I can't replace Leuwan...It's up to you to give him up... I just want to experience loving you even if you don't love me back"

"I don't think..."

"Let me love you..."

"Even if I don't love you yet"

"Please..." Muli siyang niyakap ni Jude.

Wala na siyang nagawa.

Anong klaseng lalaki si Jude para hilinging mahalin siya kahit hindi siya mahal ni Xity?
Sinong tangang lalaki ang papayag sa ganoong kondisyon? Walang kasiguruhan, puno lang ng pagtitiwala at pagmamahal. Kahit hindi siya pormal na sumagot kung yumakap naman siya at pinayagan ang halik na iyon, katumbas na iyon ng pagsagot ng oo. Napawing bigla ang lungkot ni Xity. Masayang kasama si Jude. Napakalambing, sobrang bait at maalalahanin.

"Mamasyal muna tayo, Xity"

"Sure... Are you familiar with different places here?"

"May alam akong lugar... Just come with me... We only have today until tomorrow and we'll be back in Manila"

"Fetch me at 6sharp..."

"That's fine..."

Masaya ang naging huling araw ni Xity sa Dubhai.

"Happy!" Tanong ni Jude habang kumakain ng kebab ang dalawa.

"Because you saved me from being lonely. Thanks, Jude"

"I love you, Xity"

Ngumiti ang dalaga.

"Kahit ba noong 4th year ako... Love mo na ako?"

"Yes...I won't deny it. Bakit ganyan ang ngiti mo?"

"Don't fool me... Sa lahat ng ayoko yung pinaglalaruan ako at sa huli ay lolokohin lang ako"

"Hindi ko sinabing lolokohin kita. Ang sabi ko mamahalin kita..."

Nilapitan ni Jude ang dalaga.

"Masyado akong pihikan sa babae. Seryoso ako sa trabaho hanggang sa di ko namalayang nagkakaedad na pala ako."

"Baka naman training ground mo lang ako?"

"I said, I love you"

Inilapit ni Jude ang mukha kay Xity. Sobrang lapit na halos hindi makapag-isip ng maayos ang dalaga.

"Lumayo ka ng konti baka kung ano na naman ang gawin mo"

"Ah hahaha... Natatakot ka?"

"Sa'yo? Hindi ah..."

"Ikaw ang lumapit sa akin, dali"

"Bakit?" Isa pa ring uto-uto at kalahati itong si Jude.

Hindi ni Xity ang kanyang kuwelyo at saka siya hinalikan ni Xity.

Hindi nakakibo si Jude.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon